Kabanata 5

51 10 0
                                    

Fifth Wish


Ilang weeks ang lumipas at naging mas close kami ni Razain. Kapag may trabaho kaming dalawa ay umaasa na lang kami sa text at tawag.

Pero kahit nakilala na namin ang isa't isa ay hindi parin nag level up ang aming relationship bes! Friends parin kami.

Maybe he really doesn't want me to be his girlfriend. Siguro, hanggang kaibigan lang talaga.

Kasalukuyan akong naglu-lunch dito sa karinderya na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko. Hindi naman ako katulad ni Razain na bigtime tsaka pinapag-aral ko pa ang tatlo kong kapatid!

Si Sally ang bunso, elementary pa lang siya samantalang si Joshua naman thrid year niya palang sa high school. Si Cruzell ay ga-graduate na sa high school.

Kasalukuyan akong kumakain nang biglang magvibrate ang phone ko.

Nagtext si Razain..

Razain:

Viyah sorry hindi kita masasamahang mag-lunch ngayon. Pumunta kasi si mommy dito sa hospital.

Mabilis akong natype at ni-send sa kanya.

Ako:

Oks lang Raz. Okay lang na ako e :)

Ibinaba ko din agad ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. Tumunog ulit ang phone ko at nakita ko ang reply ni Razain.

Razain:

But I badly want to see you!

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko! Damn, I wanna see you too! I wanna hug you and kiss-hah?!

Oh my gosh! This is bad! I'm doomed! I'm inlove with a person who can't love me back!

Nagtype ulit ako ni-send din agad.

Ako:

Go and date a nurse.

Mabilis naman siyang nagreply.

Razain:

Paano kung ikaw ang gusto ko?

Oh my freaking gosh! Is this a dream?! Halos lumabas na ang aking puso dahil sa bilis ng kabog nito. Tila may nagsindi ng kwitis sa aking tiyan at agad itong pumutok ng mga paru-parong nagsisiliparan.

"Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito..." Kumakanta pa ang ilang kabataan na nasa likuran ko. Nainis naman ako dahil sa mensahe ng kanta.

I can't really do anything but to obey the beat of my heart. You successfully owned my heart, Razain.

Parang gusto kong tumalon!

Ako:

Stop flirting me, doctor!

Hindi na tuloy ako makakain dahil tanging pagngiti at impit na tili ang ginagawa ko. Para bang sa oras na ito ay sasabog na ako dahil sa saya at kaba na nararamdaman.

Tumunog ang phone but this time tumatawag na si Razain!! Should I answer it? Oh my freaking gosh! Hindi pa nawawala ang mga kwitis na nagsiputukan sa aking tiyan ay may paparating na naman.

I feel some fireworks and butterflies inside me. The feeling hidden in my heart are slowly escaping while sending another butterflies.

Nanginginig na ang kamay ko nang kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag niya! Napalunok pa ako ng dalawang beses at napabuntong hininga.

"Hey, I miss your voice. I wanna hear it," he said in a husky voice.

His voice is so sexy that it can even sent chills to my body. Damn, this doctor is making me crazy.

Last WishWhere stories live. Discover now