Kabanata 3

58 12 0
                                    

Third Wish



"Ate Viyah! Ate Viyah"

"Hm?" Usal ko.

"Ate Viyah! Ate Viyah!"

Tamad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Sally. Ang bunso kong kapatid ay nasa higaan ko at niyuyugyog ako. Suminghap ako bago tamad na kinusot ang aking mga mata.

"Oh ano? Ano 'yon baby?" Tamad kong tanong.

"Ate nandiyan 'yung guwapong lalaki!Nasa sala siya!" Sabi pa ni Sally. Bumangon naman ako at parang biglang nawala ang antok ko!

Anong ginagawa ng lalaking iyon?

"Bakit daw?" Tanong ko habang nakaharap sa salamin.

Tinitignan ko kung meron akong panis na laway! Mabuti at wala naman.

"Ewan ko. Bumangon ka na diyan ate... ang pogi niya!" Wika pa ni Sally ma halatang kinikilig!

Mabilis naman akong nagsuklay at lumabas sa kwarto.

Sa kakamadali ko ay hindi ko namalayan na may nakaharang na laruan ng kapatid kong si Sally kaya naapakan ko ito at natumba!

"Aray!" Daing ko.

Dali dali namang tumakbo papalapit sa akin si Razain at inalalayan akong tumayo.

"Hey! Haha, you're so clumsy!" Tnatatawa pa niyang sambit. Inirapan ko naman siya.

"Eh malay ko bang may nakaharang diyan!Tsk.." Mataray ko pang sagot.

Humagalpak naman siya sa tawa. Ngumiwi lang ako at umirap. Naiinis ako! Naiinis ako dahil hindi ako makagalaw ng maayos sa tuwing nakatitig siya sa akin.

"Ba't ka kasi nagmamadali?" Tumawa pa siya.

"Why are you here?" Tanong ko na nakataas ang kilay.

"I promised that we'll have a food trip. Diba paborito mo ang fishball at kikyam? " Aniya sa childish na tono.

Tss. Naiinis ako kasi nawawala 'yong inis ko sa kaniya! Err... Hindi ko maintindihan ang aking sarili! Darn.

"Osige! Teka asan si mama ?Alam ba niya na nandito ka?" Tanong ko.

Nilingon ko naman ang kwarto ko dahil bumukas ang pinto nito at nakita ko si Sally. Mabilis na lumapit si Sally sa akin at hinarap ako.

"Nagtrabaho na si mama ate. Alam niyang may gala kayo ngayon ni Mr. Pogi kaya wag kang mag-alala pero iwanan mo naman ako ng pera please.." Mahabang wika niya.

Napakunot naman ang noo ko. Kanina pa ba siya nandito? Tsk.

"O sya sige. 'Wag ka ngang makisali sa usapan ng matatanda!" Pagsusuway ko pa sa bunso kong kapatid.

Tumawa naman si Sally. Anong nakakatawa dun?

"So ibig sabihin ate na matanda ka na?" Bumungisngis pa siya.

Sa mga oras na ito ay gustong gusto kong ibalibag ang bunso kong kapatid pero mali iyon. Kahit na gustong gusto ko siyang paiyakin ay mali parin iyon. Minsan hindi lahat ng gusto mo ang nasusunod. Hindi lahat ng gusto mo ay para sa iyo.

"Hoy! Ikaw talaga! Umalis ka na nga! Doon ka sa kusina!" Sabi ko pa na agad naman niyang sinunod.

Tumawa naman si Raz.

"O anong nakakatawa?" Tanong ko pa na kunwaring galit.

"You're so adorable..... " Ani Razain na pinipigilang tumawa.

Agad na uminit ang aking pisngi. Siguro namumula na ito. Kinagat ko ang aking labi at umirap na lang.

"Shut up!" Giit ko pa habang nililigpit ang mga kalat ni Sally.

Last WishWhere stories live. Discover now