Chapter 1 - Deal

1.7K 17 0
                                    

Pa-simpleng sumulyap si Chase sa kanyang relo para tignan kung anong oras na.

It has been 45 minutes already and that 56th girl has not yet come. Yes, 56th. This is the 56th time that he will attend an engagement meeting for the soon to be Mrs. Chase Carlos Montenegro, pero sa kasamaang palad ay wala pa din siyang napipili.

Why would he waste his precious time? Dahil ang kapalit nito ay ang paglago ng kanilang business. Yes, he's a very dedicated businessman kaya lahat ng chances ay kukunin niya para mapalago ito. But attending an engagement meeting is a petty reason for Chase. Ang totoo kasi ay ginagamit ng Parents niya ang panahon na ito para makapag hanap ng mapapanga-sawa niya at binantaan siya na hindi nito fully i-tuturn over ang Montenegro Enterprises sa kanya kung hindi siya susunod sa mga ito.

Kaya nag-pa blackmail na lang siya. Pero ang hindi inaasahan ng kanyang mga magulang ay hanggang sa ngayon hindi pa siya nakapili ng mapapangasawa o wala pa ding may gustong magpakasal sa kanya. Why? Dahil lahat sila ay nagbaback out sa engagement meeting kaya nga heto sila ngayon waiting for that 56th girl.

"Naku, Chase pasensya ka na kung late ang dalaga ko." paumanhin ng ginang na nakaupo sa harapan niya. Marahil ay napansin nito na naiinip na siya.

He smiled politely. "It's fine Tita, don't worry. Isa pa we're all here to have dinner hindi lang naman po meeting." sabi na lang niya pero ngalay na ngalay na siya sa kakaupo.

Mag-iisang oras na silang nasa loob ng restaurant pero wala pa din ang anak ng mga ito. Lahat na yata ng tungkol sa business ay napagusapan na nila kakaantay sa dalaga.

Tinapik siya ng Mommy niya na katabi lang niya sa isang six seater na table. "I'm sure you'll like her." sabi ng Mommy niya na may kindat pa.

Tipid lang siyang ngumiti. Ito kasi lagi ang litanya ng Mommy niya tuwing nasa engagement meeting sila. Hindi niya alam kung sadyang pinupuri lang ba ng Mommy niya ang mga babaeng inirereto sa kanya sa harap ng mga magulang nito.

"I think she's here." lumiwanag ang mukha nilang lahat ng ibalita ng Daddy ng dalaga na dumating na ang anak nila.

"Salamat naman." nasabi niya sa isip niya. Inayos niya ang kayang Americana para maging presantable.

Lahat ng atensyon nila ay napukaw ng isang balingkinitan, maputi, maganda at may mala anghel na mukha na babaeng palapit sa table nila including Chase.

Halos mapanganga siya sa ganda nito. Hindi niya alam na ganito pala kaganda ang anak ng mga Gutierrez. Bakit ba kasi hindi available ang private investigator nila kaya hindi niya nakita man lang ang litrato nito bago sila magmeet para makapaghanda siya. He has to admit that among of the 55 girls he met, she is the most beautiful. She could be mistaken for a Goddess.

Okay na sana bawing bawi na sa mukha ngunit sobrang napakunot ang noo niya ng bumaba ang tingin niya sa suot nito.

"What the hell?" he said in his mind. Dahan dahan siyang napailing para hindi mapansin ng mga kasama niya.

Napatingin siya sa mga magulang nito at halatang nagulat din sa suot ng dalaga. But he did not see any disappointment in his Parent's face at all nang lingunin niya ito para makita ang reaksyon sa suot ng babae. Mukhang aliw na aliw kasi ang mga ito.

Nakangiting lumapit ito sa kanila. Tumayo naman silang lahat para salabungin ito, "Hi po Tito and Tita, I'm sorry for being late. I was caught up in a traffic jam." paghingi nito ng paumanhin sa mga magulang niya after magbeso sa mga ito.

The Bride HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon