Chapter 5 - Good Catch

433 7 0
                                    

Naramdaman ulit niya ang paglapat ng kamay nito sa kanyang bewang habang papasok sila sa restaurant.

Pagpasok na pagpasok nila ay napukaw nila ang atensyon ng lahat ng kumakain na karamihan ay mga kababaihan.

Hindi niya maexplain ang mga reaksyon nito dahil parang mga nakakita ito ng multo sa sobrang kabiglaan.

Sinulyapan niya ang lalaking kasama pero animo'y wala itong pakiaalam sa mga tao na nakatingin dito. Well, marahil ay sana'y na ito dahil nga sa isa siyang sikat na bilyonaryo at most sought after bachelor ng business world.

Nahulaan na niya kung bakit ganito makatingin ang mga babae sa kanila.

Ito'y dahil sa lalaking kasama niya ngayon. Kung pwede lang maging puso ang mga mata nito sa pagtitig kay Chase.

Paano ba naman kasi ay napakagwapo nito sa black suit na suot nito ngayon?

Ang swerte swerte nga naman niya na sya ang ka-date ng lalaking pinapangarap ng lahat.

Buti na lang talaga at nagsuot siya ng maganda kundi baka magmukha lang siyang secretary nito.

Marami kasi ang nakatingin sa kanya ng masama at ang iba ay nakataas pa ang kilay. Well, sorry sila hindi kasi nila ginamitan ng talino at kakapalan ng mukha itong si Chase kaya di nila makuha kuha.

Pero syempre di rin nakalampas sa kanya ang tingin ng mga kalalakihan sa kanya. Animo'y isa siyang Dyosa na bumaba sa lupa at nagkatawang tao.

Bagay na bagay sa kanya ang kanyang black dress na three inches ang haba mula sa tuhod.

"Goodevening Sir and Ma'am." bati sa kanila ng waiter na lalaki at iginiya na sila sa table nila.

"Goodevening!" nakangiti nya ring bati samantalang ay tumango lang si Chase.

Marahil ay nagpareserve na ito bago sila pumunta dito.

Ipinaghila siya ng waiter ng upuan pagkarating nila sa table nila.

Marahan naman siyang umupo at nagpasalamat sa waiter. Si Chase naman ay umupo na din sa tapat niya.

"We'll just call you once we are ready to order." seryoso nitong sabi sa waiter.

Wala na nga sa trabaho tong si Chase ay ang sungit sungit pa din.

"Noted, Sir." sabi ng waiter at umalis na.

Hinawakan nito ang menu at naghanap na ito ng gusto nitong kainin.

Sya naman ay pasulyap sulyap dito habang tumutingin din sa menu.

"How was your day?" tanong niya dito to break the ice. Masyado kasi itong seryoso sa pagbuklat ng menu, akala mo ay kontrata ang binabasa sa sobrang pagkakunot ng noo nito.

"It's tough." matipid nitong sagot at ibinalik na nito ang atensyon sa menu.

"Are you okay? Does your head hurts?" concerned na tanong niya.

Napaangat ito ng tingin sa kanya at nagsalubong ang kilay nito.

"I'm fine. Stop asking me lame questions at humanap ka na ng gusto mong kainin." she could hear in his voice that he was irritated by her questions. Nagtatanong lang naman siya.

Napatango na lang siya sa sinabi nito at ibinalik na nito ang atensyon sa pagpili ng kakainin nila.

Ganoon nalang talaga ang ginawa nya dahil mukhang walang balak si Chase na makipag-usap sa kanya. Nagpagutom talaga siya para sa dinner na ito para mas lalo niyang matagal makasama si Chase.


The Bride HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon