"Goodafternoon!" nakangiti niyang bati kay Chase.
Napakunot naman ang noo nito. "Why you didn't tell me you're coming?" tanong agad nito kapag bukas ng pinto ng condo niya.
"Ahm, surprise?" sabi niya at nagkibit balikat.
Bumuntong hininga lang ito at hinawakan na siya sa braso at pinapasok sa loob.
Usually kapag day off nila parehas ni Chase ay nasa condo siya nito. 'Di lang siya nakapagsabi ngayon dahil nalow bat ang cellphone niya.
"Next time, tell me when you're coming. Paano pala kapag wala ako dito?" litanya nito sa kanya habang binubuksan nito ang shoe cabinet nito at kinuha ang slippers niya.
"Eh hindi ka naman umaalis diba? Saka ako lang naman kasama mo kapag aalis ka." dahilan niya.
Nagsalubong naman ang kilay nito at naningkit ang mga mata at tinalikuran na siya.
Sya naman ay mabilis ng sinara ang shoe cabinet nito at sumunod na rito.
Umupo na ito sa sofa at sya naman ay dumerecho sa kwarto nito para magbihis. Sanay na sanay naman na siya sa kasungitan nito.
Ganoon lang naman ito pero maya maya ay nagbabago na din ang mood.
Agad siyang lumabas ng kwarto nito nang makapagpalit ng damit.
"Naglunch ka na ba?" tanong niya rito habang derederechong naglalakad papuntang kusina ng binata.
Nasa sala ito at nanonood ng TV.
"Nope. Magpapadeliver na lang sana ako. But since you came, magluluto ka?" tanong nito sa kanya.
"Hehehe. Yup." sagot niya habang inilalabas ang mga gagamitin niya sa pagluluto.
Nang makapagsalang na siya ng bigas sa rice cooker ay sinuot na niya ang apron niya na dinala niya rin noon.
Dahil maiksi ang buhok niya ay naglagay nalang siya ng hair pin dito na inilagay nya sa bulsa niya paglabas niya ng kwarto ni Chase.
Naramdaman niya ang pagpunta ng binata sa kitchen. Sya naman ay busy na sa lababo nito at hinuhugasan ang hipon at gulay na gagamitin niya para sa kanyang sinigang.
"Sinigang na hipon?" he said softly in her back.
Napapitlag siya ng maramdaman ang hininga nito sa kanyang batok.
"Yes." sagot niya.
"Want a hand?" tanong nito.
"Ah, n-no need. Kaya ko na to." she said with a nervous tone at saka dahan dahang humarap dito.
Kaya naman pala sobrang kinikilabutan siya sa pagtama ng hininga nito sa batok niya dahil sobrang lapit nito sa kanya.
Nang humarap siya dito ay lumayo naman ito.
Sya naman ay kiming ngumiti lang at isinalang na ang kaserolang gagamitin sa pagluluto.
Ito naman ay naglabas na ng mga plato at kubyertos at isenet up na ang table.
Nang naluto na ang pagkain nila ay kumain na sila.
Tulad ng lagi niyang ginagawa ay si Chase muna ang ipinaglalagay niya ng kanin sa plato at ulam sa bowl nito.
Inantay naman siya nitong makapaglagay ng pagkain sa plato niya bago ito kumain.
"Mom and Dad want a grand celebration for my upcoming birthday." kwento nito sa nalalapit niyang kaarawan.
BINABASA MO ANG
The Bride Hunter
Romance56th..... This is already the 56th time that Chase is attending an engagement meeting arranged by his Parents. All those 55 girls did not leave any good impression on him. Most of them are spoiled brats and are always depending on their parents. He...