Chapter 13 - Lucky

420 5 0
                                    

Nang makaalis na ang Mommy ng dalaga ay tinungo na niya ang kwarto nito.

Dahan dahan niyang pinihit ang pinto at pumasok sa loob. Bumungad sa kanya ang baby pink na walls nito and halos lahat ng gamit nito sa kwarto ay may shade ng pink at white.

Napailing nalang siya.

Marahan niyang isinara ang pinto at dahan dahang lumapit sa kama nito.

There she is sleeping peacefully. Umupo siya sa mini sofa na katabi ng kama habang nakatitig pa rin sa dalaga.

She looks pale and might have lost some weight as well. She is always telling him how people in a relationship take care of each other pero ito naman ngayon ang mukhang ayaw magpa-alaga sa kanya.

Teka.....

Kailan ba pa siya nagalala para sa ibang babae ng ganito?

Napayuko siya. Naalala na naman niya si Margaux. Ang babaeng nangako sa kanya na babalikan siya dito sa Pilipinas kapag natupad na nito ang pangarap nitong maging isang modelo sa ibang bansa.

He shrugged off his shoulders para alisin sa isip niya si Margaux. But ever since he met Zam hindi na niya masyadong naalala ang babae. Masyado siyang nafocus sa interes niya dito. And occasionally he would find himself smiling because of Zam.

Napaangat uli siya ng tingin at tinitigan ulit ang magandang babaeng nakahiga sa kama nito. What if he falls in love with Zam? Sa totoo lang he was challenged sa attitude nito at strong personality kaya pumayag siyang i-date ito pero hindi niya pa napagiisipan kung paano ay magwork nga talaga ang relasyon nila?

Bumuntong hininga na lang siya. Bahala na. Pinasok na niya ito e, wala ng atrasan pa.



*********************************************************************************

"Damn!" she cursed in her mind dahil ramdam pa din niya ang sobrang pagsakit ng ulo niya.

Ayaw pa sana niyang magmulat ng mata dahil gusto niya pang matulog pero kailangan na niyang kumain at uminom ng gamot.

Three days na siyang hindi nakakapasok at ilang araw nya na ring hindi nakikita si Chase. She misses him so much, kaya kailangan na niyang magpagaling.

Nakakunot ang noo niya dahil nahihirapan siyang magmulat ng mata. Kaya dahan dahan lang siyang nagmulat.

Medyo malabo pa ang kanyang paningin nang tuluyang idilat ang mata niya, marahil nga ay sa sobrang sama ng pakiramdam niya.

"Zam?" halos malaglag ang puso niya sa gulat ng may isang baritonong boses na nagmula sa kanyang kanan.

Napahawak pa nga siya sa dibdib niya at dahang dahang lumingon sa pinanggalingan ng tinig sa kwarto niya.

Namilog ang mata niya ng makilala kung sino ito. Kaya pinilit niyang bumangon kahit na hirap na hirap siya.

Agad naman itong lumapit sa kanya at tinulungan siya. Isinandal niya ang kanyang likod sa headboard ng kama. Umupo naman ito sa tabi ng kama ng maayos na siyang nakaupo.

"Wha..at are you doing here?" hirap na hirap niyang tanong kay Chase. Medyo garalgal pa kasi ang boses niya gawa ng kanyang sipon at ubo.

"Well, I was wondering why I was not receiving weird text messages from you." seryoso nitong sabi sa kanya.

"Weird ba yung mga text messages ko?" nakangiti niyang tanong kahit nahihirapan siya.

Damn! Just a few words from Chase makes her heart really happy. She really wants to tackle him right now.

The Bride HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon