Chapter 7: Red Days

68.7K 1.6K 187
                                    

-Namirah's POV-


"Namirah," pagtawag niya sa akin.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya.

"Your temperature is normal. Tell me what's wrong. Kanina ko pa napapansin na parang nanghihina ka."

"Ayos lang ako. Sige na umalis ka na."

"I'm a doctor, Namirah. Hindi mo ako maloloko. I know you're not. So tell me, what do you feel?"

Naupo ako para naman makaupo rin siya. Ang soft ng aura niya ngayon. Anong mayroon? Baka naman ganito lang talaga siya mag-handle ng patients... with care.

"Masakit lang puson ko." Nag-iwas ako ng tingin.

Kahit doctor siya, lalake pa rin siya at hindi ako komportableng pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman doon.

"You have your period?"

"Y-Yes." I felt a little bit of embarrassment.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napayuko na lamang. Tumayo siya kaya napatingala ako sa kaniya.

"I will just get something. I'll be back. Just wait here, okay?" Lumabas na siya.

Nahiga lang muna ako habang naghihintay. Wala rito ang mga bata kaya naman maswerte pa rin ako na hindi ko kailangan maggagalaw nang sobra. Nang bumalik si Doctor Conzego ay may dala na itong food tray. Napansin ko rin ang stethoscope niya na wala naman kanina. Inilapag niya iyon sa lamesa at naupo sa tabi ko.


"I brought you a sandwich, baka kasi hindi ka pa kumakain."

"Hmm, masarap," komento ko matapos kagatan iyon.

"Talaga?"

"Um." Tumango-tango ako habang ngumunguya. "Gusto mo?"

"Sa 'yo na lang."

"Okay "

Nilantakan ko iyon hanggang sa maubos. Sunod kong dinampot ang isang basong tubig at uminom. Napatigil ako nang maramdaman ko ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko. Napatitig ako sa mukha niya.

Ang gwapong doctor naman po nito, Lord.

"Messy eater." He smirked. Tumayo siya at inabutan ako ng hot compress. "You can use this to lessen the pain."

Sinunod ko ang sinabi niya at idinikit iyon sa puson ko, dahil baka bukod sa messy eater ay masabihan pa niya ako ng matigas ang ulo. Pinagmamasdan ko lang siya habang idinidikit niya sa dibdib ko ang bilog sa stethoscope. Dahil sa pagiging abala'y niya'y malaya ko siyang napagmasdan.

His hazel brown eyes made him look more attractive. Idagdag mo pa ang malamig niyang aura na nagpapadagdag sa karisma niya. Kahit siguro sinisipon ka lang ay magpapa-confine ka kung siya ang doctor, makalandi lang.

"Ang bilis ng tibok ng puso mo."

Kahit hindi niya sabihin alam ko iyon. Tuwing malapit siya sa akin nagiging abnormal ang bilis nito, bagay na hindi ko maintindihan sa aking sarili.

"A-Ah eh, k-kinakabahan lang ako," palusot ko pero kita ko sa mukha niya na hindi siya kumbinsido. "W-Wala kang dapat ipag-alala. Okay lang ako."

"Kapag may masakit sa 'yo magsabi ka lang sa akin. Take a rest for now. Wala naman ang mga bata."

Tumayo na ito at naglakad na palabas. Doon lang ako nakahinga nang maluwag dahil para akong mauubusan ng hangin kanina.












"NANAY, masarap po siya," sabi ko kaagad nang abutan ko siya sa kusina.

Napatigil ito sa paghahalo ng niluluto at gulat na napatingin sa akin.

"Sinong masarap? Si Doctor Conzego? Jusko kang bata ka!"

"Po? Naku hindi po. Iyong sandwich po na ginawa n'yo ang tinutukoy ko hehe. Masarap po. Promise."

"Sandwich?"

"Opo, sandwich."

"Naku, hija, hindi ako ang gumawa niyon."

"Eh sino po?"

"Si Doc."

Kumunot ang aking noo, hindi makapaniwala sa narinig.

"Si Dr. Conzego po ang gumawa ng sandwich?"

"Oo anak, siya nga. Nagulat nga ako e. Sabi ko ako na kaso ayaw niya. Sabi niya gusto niya raw na siya ang gumawa niyon. Nakangiti pa nga siya kanina habang ginagawa iyong sandwich mo. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kasaya. Mukhang... gusto ka na niya."

"Naku hindi po. Ginagawa niya lang po iyon dahil doctor siya. Masakit po kasi ang puson ko saka medyo nahihilo rin. Alam n'yo na may dalaw."

"Pero hindi kasama sa tungkulin ng mga doctor na gawan ng sandwich ang pasyente nila."

"Ah eh, hehe. Huwag na lang po natin bigyan ng kahulugan. Isa pa, sobrang imposible po na magustuhan niya ako. At higit sa lahat, may kontrata po kami. Malinaw po ang papel ko sa bahay na ito. Trabaho lang po ito, Nanay Joleng. Saka syempre kapag nagkasakit ako, sino na ang mag-aalaga sa mga anak niya, 'di ba?"

"Anak, kailanma'y hindi mo— natin pwedeng diktahan ang puso. Hindi mo ito pwedeng utusan sa kung anong dapat nitong maramdaman. Ang pag-ibig ay parang kalmadong tubig sa ilog. Mas kalmado, mas malalim. Minsan mas pinipili na lamang nating isatinig ang mga salita— ang ating mga nararamdaman, hindi dahil sa takot kundi dahil alam mong iyon ang mas makabubuti. Kalmado ang tubig ngunit hindi mo alam kung gaano ito kalalim at kung ano ang nasa ilalim."

Napaisip ako sa mga tinuran niya. Tulad ito ng amo namin na parang tubig na sobrang kalmado. Hindi ko alam ang mga saloobin niya maski ang tumatakbo sa kaniyang isip. Mahirap siyang basahin. Wala akong ideya sa nararamdaman ng isang Dr. Treivhor Conzego.

"Salamat po sa payo. Sige po, akyat na muna ako."

 










NAPUNO ako ng pagtataka nang magising na nasa kuwarto na ni Doctor Conzego. Ang huli kong naaalala ay nasa sofa ako kanina, sa taas, at nagbabasa ng libro. Naupo ako at sinubukan siyang hanapin gamit lamang ang abot ng aking tingin. Bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako roon.

"B-Babalik na po ako sa Maid's Quarter."

Paalis na ako nang pigilan niya. Iyong puso ko parang nakikipagkarera na naman habang nakatitig ako sa kamay niyang nasa palapulsuhan ko. Ilang segundong namayani ang katahimikan. Babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla siyang magsalita.

"Dito ka lang. Stay ka na lang sa 'kin."



-Azureriel

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon