Chapter 25
NASA kuwarto ako naming mag-asawa at nagre-review. Final exam na kasi namin bukas. Ang bilis ng panahon, ano? Hindi ko na nga namalayan na nakalipas na pala ang apat na buwan. Siguro ay dahil masyado akong naging abala sa school. Ang dami kasing gawain sa college. Mabuti na lamang at nandiyan palagi si Treivhor para tulungan ako.
"Mommy!" Napalingon ako kay Tav-tav na tumatakbo palapit sa akin. Suot niya ang kaniyang pajamang pantulog. Napansin ko kaagad ang bag na labit niya. Basa rin ang kaniyang mata.
"Bakit umiiyak ang baby namin?" Kinalong ko siya at inalo.
"Look, Mommy, oh." Umiiyak niyang ipinakita sa akin ang backpack niyang may sira na at halatang gawa ng daga.
"Wala na. Sira na." Iyak siya ng iyak. Mahal na mahal niya kasi itong bag niya na minions.
"Tahan na, baby. Bakit ba kasi nasira ito? Saan mo ba ito inilagay?"
Palagi naman kasing naglilinis kaya paanong nagkadaga sa bahay na ito.
"Sa ilalim ng bed. Kasi tinatago ko iyong cheese kay Ate Sofie eh," humihikbi niyang sagot.
Teka, cheese?
"A-Anong cheese, Tav-tav?"
"I hide the cheese from Ate Sofie because she doesn't want to share it. I don't know where to hide it, so I decided to hide it in my backpack."
Nang buksan ko ang bag ay wala na roon ang cheese. Iyong kahon na lang ang natira. Kaya naman pala e.
"Uhm, bibili na lang tayo ng bago basta huwag ka ng umiyak."
"Ganiyang design?"
"Opo."
"Okay po."
"Sige na matulog ka na." Hinagkan ko siya sa pisnge. "Good night. I love you."
"I love you too, Mommy." Paglabas niya ng pinto ay nag-flying kiss pa siya. Ang sweet talaga ng batang ito.
Kahit hindi ko sila kadugo, at kahit hindi sila nanggaling sa sinapupunan ko, minahal ko sila na parang akin. Hindi rin naman kasi sila mahirap mahalin. Mahal ko ang ama nila kaya tanggap ko sila. Hindi naman importante sa akin kung hindi ako ang nauna sa buhay ni Treiv. Ang mahalaga ako iyong panghuli.
"WHY are you still awake?"
"Nand'yan ka na pala." Tumayo ako at tinulungan siyang hubarin ang suot niyang damit. Halata sa mukha niya ang pagod.
"Eleven na, bakit gising ka pa?"
"Nagre-review kasi ako. Exam na namin bukas e."
He kissed my forehead, "You should rest now."
"Sige, lye. Iimpisin ko lang ang mga ginamit ko."
"Huwag na."
Binuhat niya ako at marahang inihiga sa kama. Hindi na ako nakapalag pa nang yakapin niya at ibaon ang mukha sa batok ko.
"I miss you, Namirah."
Pumihit ako paharap. "Na-miss din kita." Hinaplos ko ang mukha niya.
Masyado siyang busy sa trabaho nitong nakaraan kaya bibihira ko na lang siyang makasama. Ang kapatid ko na rin ang nakakasabay ko sa pag-uwi. Marami raw kasing ginagawa sa hospital. Pero kahit naman ganoon ay naglalaan pa rin siya ng oras sa amin. Sa Linggo nga ay may family outing kami.
BINABASA MO ANG
Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)
RomanceThe hiring process is now officially open. Are you interested in applying to be Treivhor Conzego's wife? He is a cold yet carrying single dad and a top doctor nationwide. Work as Dr. Conzego's wife and earn up to fifty thousand a month. For more det...