Chapter 12: Courting Stage

62.6K 1.1K 153
                                    


Chapter 12





NAGLAKAD palapit sa amin ang matandang babae. May suot siyang gloves at may hawak na dulos. Nakakatakot ang mata niyang nanlilisik sa amin. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo at magtago sa likuran ng lalakeng kasama ko.

Nagpalipat-lipat sa aming dalawa ang tingin nito. "Sino sa inyo ang pumitas ng tanim ko?" Para siyang iyong mga lola sa mga horror film. Nakakapanindig balahibo rin ang boses niya.

"Ako po ang pumitas, Lola."

"Lola? Aba'y kailan pa kita naging apo?"

Napakamot na lang sa batok si Doctor Conzego. Nagmukha kaming mga teenagers na nahuli ng lola na may ginagawang pribado.

"Hindi na po namin maibabalik ang mga napitas na rosas. Pasensya na po kung hindi ako nakapagpaalam. Sabihin n'yo lang po kung paano kami makakabawi."

The old woman caressed her chin as if she was thinking. "Sige ganito na lang, palitan n'yo na lang ng isang tanim na rosas. Hintayin ninyo ako rito."

Pagbalik ng matanda ay may dala na itong pasong ceramic. Mayroon din'g dulos at isang halaman ng rose. Wala pa ni isang bulaklak pero alam ko nang rosas iyon dahil sa mga dahon at tinik nito.

"Alam n'yo na ang gagawin d'yan."

Nakahinga ako nang maluwag nang pumasok na sa bahay si Lola.

"Tara." Humanap kami ng pagkukuhaan ng lupa.

Nakatayo lang ako't nakapanuod sa doktor na abala sa pagtatanim ng rosas sa paso. Hindi naman masyadong mainit dahil nasa kanlong kami ng malaking puno ng pilaway.

"Doc, sigurado ka bang mabubuhay mo ang halaman na iyan?"

"Tao nga nabubuhay ko halaman pa kaya."

"Ayos ka lang, doc? Magkaiba ang halaman sa tao."

"They are just same. Both have lives."

Pinagdudahan ko ang kakayahan niya. Alam kong magaling siyang doktor, pero doctor nga siya at hindi isang agriculturist. Ni hindi ko pa nga nakitang humawak ng halaman ang isang iyan roon sa kanila.

"Bakit hindi tayo magpustahan?"

"Pustahan?" Naitakip ko ang mga kamay sa aking bibig. "Gosh, doc! Hindi ko alam na sugarol ka pala."

"I'm not sugarol, Namirah. Simpleng pustahan lamang. Pupusta ako na mabubuhay ko ang halaman na ito."

"Hmm... sounds interesting. Ganito na lang kapag napatubo mo iyan ibig sabihin magyayabong ang pagmamahal mo sa akin. Kapag naman nalanta ibig sabihin we are not meant to be."

"So you're telling me that my fate will depend on this plant?"

"Parang ganoon na nga."

"Deal?"

"Deal."

Matapos niyang maitanim sa paso ang halaman ay nilagyan niya iyon ng tanda. Humingi ulit kami ng paumanhin sa matanda at nagpaalam na. Mataas na ang sikat ng araw nang makarating kami sa taniman ng pinya, na aming distinasyon. Tumakbo palapit sa amin sina Sofie at Tav-tav nang makita kami.

"Careful!"

"Daddy, look! There's a lot of pineapples." Itinuro ni Sofie ang malawak na taniman ng pinya.

Mula sa malayo ay kumaway sa amin sina Aleng Mildred at ang iba pa niyang kasama.

"Mukhang nag-e-enjoy kayo rito ah."

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon