Chapter 28: Empty Spaces

46.5K 692 154
                                    



Chapter 28



NANGINGINIG ang mga kamay kong hinaplos ang salamin. Pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari.

"Inay, ano ito? B-Bakit ganito?" tanong ko kay Inay na yumakap sa akin.

"Hush... magpakatatag ka, anak," aniya habang hinahaplos nang marahan ang aking buhok.

"Ano ho bang sinasabi ninyo? Bakit nandito ang asawa ko? Huwag n'yo naman akong biruin ng ganito."

"Anak, wala na si Treivhor. Wala na ang asa--"

"Hindi totoo 'yan!"

"Alam ko masakit pero kailangan mong tanggapin." Pinahid niya ang luha ko pero tinabig ko ang mga kamay niya. 

No! Hindi ito totoo. Panaginip lang lahat ng ito.

Humarap ako sa kabaong. "Lye, please ayoko ng ganitong biro. Huwag mo naman akong paglaruan oh. Please, lye, gumising ka na. Ayoko ng ganito. Treiv naman... please wake up." Hinahampas ko na ang salamin kaiiyak. 

Hindi naman ito totoo, 'di ba? Panaginip lang ito tapos mamaya magigising din ako.

"Anak, tama na 'yan. Hindi gusto ng asawa mo na nagkakaganyan ka."

"Ano bang gimik ito? Sinong nakaisip? Masakit ah." Tumawa ako nang mapakla. "I-game over na natin. Masyado ng masakit. Please lang ayoko ng ganitong biro."

"Namirah, anak, humarap ka sa kanila." 

Nang humarap ako'y mas bumigat ang nararamdaman ko. Ang aking mga luha'y nag-uunahang tumulo. Nakita ko si Tav-tav na karga ng kapatid kong si Pipoy. Nakita ko rin si Sofie na umiiyak kasama ang kasambahay na prutas. Nandito rin ang mga magulang ni Treivhor at ang lahat ng mga taong nagmamahal sa amin. Lahat sila naka-itim at malungkot ang mga mukha. Sa kabila ng mga nakita ay pilit ko pa ring iwinaksi ang negatibong laman ng aking isip.

"Tama na ang drama. Sino ba ang director nito? Si Treiv ba? Tama na, guys. Nadala na ako sa pag-arte n'yo."

"Anak, tama na."

"Hindi, Inay! Alam kong role play lang ito. Kunwari patay ang asawa ko tapos kasali kayong lahat sa cast tapos syempre iiyak ako. Tapos si Treiv biglang magigising tapos magtatawan na kayo. Tama ako, hindi ba?"

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon