Chapter 20: Family Date

55.6K 921 158
                                    



Chapter 20




"MAGSILUHOD po tayong lahat para sa panalangin."

Nasa simbahan kami ngayon para sa misa. Nakaugalian na ng pamilya na sumimba tuwing araw ng Linggo.

"Lye, sorry na," bulong ng asawa ko pero hindi ko siya pinansin. "Wala lang naman iyon e."

Kanina bago ang misa, nagpabili si Tav-tav ng chocolate drink. Pagbalik ay nakita ko si Treivhor na may kausap na babae.

"Oh inumin mo na ito."

"Mommy, si Daddy!" Sinundan ko ang direksyong itinuro niya at naningkit ang mga mata ko nang makita ko ito na may kausap na babae. "Look, Mommy, oh! The lady is just wearing a panty."

"Baby, it's not a panty-- it's a short."

"But it's too short like Lola Mildred's panty. Look oh." He pointed the girl again.

"Ah, baby, tara na." Inihatid ko muna siya sa sasakyan kung nasaan ang body guard at driver.

"Hi, Mommy!" Kumaway si Sofie na hawak ang iPad.

Pinaupo ko si Tav-tav sa tabi niya. "Ikaw na muna bahala sa kapatid mo,"

"Ate, I saw a lady wearing a panty."

"W-Where?" Her brows furrowed.

"Somewhere out there."

"Oh! Is she okay, Mommy?" 

"Of course, sweetie. It's just her... style."

Too short denim and a sleeveless. Not bad, but not also good in this kind of place, church.

"And she's talking to--"

"Tav-tav oh, kainin mo na ito." Inabutan ko ito ng cheese cake.

"To whom?" Sofie asked curiously.

"Ikaw rin, Ate Sofie, try mo."

"Thank you, Mommy."

Hangga't maaari ay ayaw kong pag-usapan nila ang tungkol sa bagay na iyon. Baka magkaroon sila ng katanungan sa isip, tulad ko ngayon. Iba kasi ang pakiramdam ko sa babaeng iyon.

"Kids, d'yan lang kayo ah. Pupuntahan ko lang ang daddy ninyo."

"And the lady?"

"Hush!" 

Tinakpan ng bata ang kaniyang bibig.

"Tatay Ernesto, kayo na po muna ang bahala sa mga bata."

"Sige po, Ma'am."

Binalikan ko ang pwesto kung saan ko huling nakita si Treivhor. Ang galing niya para iwanan si Sofie para makipag-usap sa babaeng halos labas na ang singit. At sa harap pa talaga ng Simbahan. Mas uminit ang ulo ko nang makitang magkasama pa rin sila. Aba't may pahawak-hawak pa iyong girl sa braso ng asawa ko!

"Ehem!" 

Napahinto iyong babae sa pagtawa.

"Lye." Tumabi ito sa akin at humawak sa beywang ko.

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon