Chapter 15: Baking Session

53.9K 1.1K 41
                                    


Chapter 15




"GOOD morning," bati ng lalakeng nakatayo sa harapan ng full length mirror at nagbubutones. Lumapit siya sa akin upang hagkan ako sa noo. 

"Good morning. Papasok ka na?"

"Yup." Inayos niya ang kaniyang kuwelyo.

"Pero kakauwi pa lang natin. Anong oras na ba?" Tiningnan ko ang oras sa digital clock na nakapatong sa bedside table. "Alas-otso pa lang. Ilang oras pa lang tulog mo."

"I need to work, lye. Ang tagal kong naka-leave sa trabaho. I need to be back as soon as possible." 

"Maraming pasyente ang naghihintay sa 'yo. Marami ka pang isasalbang buhay." 

Inihatid ko siya hanggang sa sasakyan at hinintay na makaalis. Hindi pa tapos ang school break—summer vacation kaya wala pang pasok sina Sofie. Habang pabalik ako sa kusina ay nakaramdam ako ng kaba. Ngayon ko lang naalala na malaki nga pala ang pagkagusto ni Strawberry kay Doc.

"Namirah!" Napapitlag ako sa kinatatayuan nang gulatin ako ni Strawberry.

Malakas ang kabog ng aking dibdib na humarap sa kaniya. "S-Strawberry. Teka sabi nasa bakasyon kayo?"

"Kababalik lang namin kahapon hehe."

"Eh nasaan iyong iba?"

"Iyon mga bagsak. Nagkaayaan kasi ng inom kagabi sa rooftop. Si Melon nga malala hangover kaya nasa kuwarto pa rin."

"Ganoon ba? Uhm, nasaan pala ang mga bata?"

"Nanunuod ng TV sa living room. Huwag ka mag-alala nag-umagahan na iyong dalawa. Halika kumain ka na rin." Hinatak niya ako papunta sa kusina.

Bakit kaya parang ang saya-saya niya ngayon? Magiging masaya pa rin kaya siya kapag nalaman niyang kami na ng ultimate crush niya? Huhu bigla akong na-guilty.





-Treivhor's POV-

I WAS walking in the hallway when I saw Doctor Felmir. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. I know he didn't expect to see me today.

"Dr. Conzego, you're back! Tagal mong nawala."

"May inasikaso lang na importante. I have some patients to attend, Dr. Felmir. Please excuse me."

"Wait!" My feet stopped for a moment. "How about Namirah? Is she there? Hindi ko kasi siya ma-contact." Napapikit ako ng mariin. "Doctor Conzego?" he called my name when I didn't reply.

"Don't ask me. I'm not her nana." 

I'm her boyfriend! So stop asking where she is! 

I want to slap those words on his face but I chose not to. I know Namirah won't like this. Ayokong magalit siya sa akin.

"Why not find her in your own? May mata ka naman. Hindi ako police station na hanapan ng nawawala." Nilampasan ko na siya at naglakad palayo nang nakasuksok ang kamay sa bulsa.

"Paging Dr. Treivhor Conzego please proceed to the office of the Director."

Tumaas ang isang sulok ng labi ko at dumiretso na sa opisina nito. Ang sekretarya ang sumalubong sa akin. Inihatid niya lang ako sa table ng director pagkatapos ay iniwan din. The room was covered by silence. I haven't see him for a month.

"It's been a while, son." He intertwined his fingers with his elbows on his desk. 

Yeah he's my father, Dr. Arnold Conzego, the director.

Wanted Housewife (Conzego Series 1✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon