Part 4

0 0 0
                                    

Matapos ang usapan namin ni Doc. Rouge ay lumabas na ako ng Clinic niya.

Sinabi niya sakin na Angelish ang tunay kong pangalan at naaksidente daw ako at nagkaamnesia pero ang pinakmalala sa lahat deretso daw ako sa kulungan pag nagamot na ako.

Tinanong ko namna kung anong kasalanan ko at sinabi niyang nanglaban daw ako nung nagraid daw sa bar kung nasan ako at tinutukan pa ying pulis.

Napabuntong hininga naman ako at naglakad pabalik sa kwarto kung saan ako nagising at nakita ko parin dun si Momo na kinikilig parin at paikot ikot parin sa sahig.

Kaltukan ko kaya utak nito parang naalog eh.

Nilapitan ko siya at sinipa. Tumingin naman siya sakin at tumayo ngumiti siya at kumaway.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya

"Angelish" sabi ko at ngumiti sakanya.

Nakita kong medyo natense siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila paupo sa pinakamalapit na upuan.

"Nasan nga pala tayo?" tanong ko

"Sa loob ng Kulungan" sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"HAH? WEHHHHHHH?" may pasabi sabi pang deretso sa kulungan si dok eh nasa kulungan na pala kami.

"Ah eh oo eh" sabi niya at nagkamot ng ulo.

"Pwede mo ba akong samahan palabas?" sabi ko

"Oh si-sige" sabi niya kaya hinila ko siya at lumabas ng ospital nagtanong tanong ako sakanya at napagalaman kong nasa kulungan nga kami pero sa loob ng kulungan ay may ospital, paaralan, parke, at mall. Oh diba sosyal?. Sinabi niya rin sakin na kada tanghali ay ngatatrabaho sil- kame dito

Naglalakad lkad kami dito sa parke. Hindi mo mahahalatang kulungan ito dahil sa ganda at linis pero malalaman mo rin na kulungan ito dahil sa daming pulis na nakabantay at matataas na pader.

Tumingin ako kay Momo at ngumite hindi na naman siya makatingin sakin .

"Ahmmm Momo pwede bang magtanong?"

"Si-sige"

"Paano ka nakulong?" nakita ko namna ang biglang pagseryoso ng mukha niya at tumingin sa malayo.

"Ang totoo kasi niyan ay Mafia boss ang tatay ko at Reaper naman ang nanay ko at ako ang tagapagmana pero biglang sinugod ang bahay namin at pinatay ang mga magulang ko at paggising ko ay nandito na ako"

Ngumiti naman ako sakanya at niyakap siya

"Buti nga ikaw nakilala mo magulang mo ako di ako sigurado kung sino nga ba ako" sabi ko at mas diniinan pa ang pagkakayakap ko.

Bumitaw naman ako ng maramdaman kong naasiwa na siya.

"Ilang taon kana dito?"

"5" sabi niya kaya napatingin ako sakanya

"Pwede kabang magkwento dito sa lugar nato?"

"Hmmm... sige ito ang tinatawag na Pentagon jail ewan ko kung bakit dahil apat na sulok lang naman ang kulungang ito dapat square jail pero tuloy na nga may apat na namumuno sa bawat lugar North, East, South at West. Ang namumuno sa North ay si Nash Forrester ang, sa East ay si Earl Topaz, sa South ay si Sophia Shee at sa West hindi ko alam walang nakakaalma pero kyon ang pinkaadelikado kaya wag kang pupunta dun ha?..." tumango naman ako "... Ang patakaran dito ay hindi ka pwedeng manggulo sa bawat sulok kung aywa mong makabangga ang isa sakanila. Pero kung matalo mo naman sila ay ikaw na ang mamumuno sa lugar nila. Dito sa loob ng kulungan ay may tinaguriang Hari at Reyna o ang mga pinakamalakas. Mas malakas pa sila sa mga namumuno at ang kasalukuyang Hari ay si Trevor at ang Reyna naman niya ay si Zelure. Sila ang pinakmaalakas dito sa loob ng kulungan na babae at lalake pumapangalawa naman ang mga Pinuno at ang mga Gold, Silver at Bronze." mahabang paliwanag niya.

"Okay? ano nga palang pwesto mo dito?" tanong ko

"Isa akong Gold at ikaw naman ay isang bronze kaya magiingat ka dahil ikaw ang puntirya nila" sabi niya pero ngumiti lang ako at sumandal sa dibdib niya.

"Di ko alam pero pakiramdam ko ay ligtas ako palagi ako sa tabi mo..."



Jail BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon