Part 6

0 0 0
                                    

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Sin at naghanda na ng damit ko

May binili rin palang mga damit sakin si Momo kahapo kaya may maisusoot ako ngayon.

Lumapit ako sa salamin para tingnan ang babaeng malaanghel na nakatinhin sakin haahwakan ko sana siya pero naalala kong salamin lang pala to hayyys.

Tiningnan ko ang suot ko. Nakasuot ako ngayon ng isang Purple dress na hanggang tuhod at naka doll shoes na black nakasuot rin ako ng isang shoulder bag na black at headband na purple.Gusto ko kasi mukha naman akong presintable.

Naglagay ako ng onting pulbo at lumabas na baka kanina pa nagaantay si Momo dun sa park hayys.

Pagkarating ko naman sa parke ay nakita ko agad si Momo kakawayan ko sana siya ng makita kong may kausap siyang babae.

Nagtago nalang ako at nakinig sa pinaguusapan nila.

"Bakit ka ba makikipaghiwalay Geniva ha?" sabi ni Momo at parang iiyak nang nakating dun kay ate Geniva.

"Sorry Momo pero sa tingin ko hindi ikaw ang momoo ng buhay ko dahil sabihin na nating ginamit lang kita" sabi nung girl kaya napatakip ako ng bibig. Naalala ko kasi nakapagtoothbrush bako? At nung maalala kong oo ay tinggal ulit ang takip at nakinig ulit.

"G-ginamit? P-paano?" tanong ni Momo habang nakayakap na ngayon kay Geniva.

Unang arw ko kasi nung lapitan kita ayaw kong mapahamak kaya nagpaligaw ako at ngayong Gold na ako hindi na kita kailangan" Sabi nung Geniva at umalis na.

Tiningnan ko naman si Momo at nakita kong napaluhod siya. Napaiyak naman ako dahil may naghihiwa pala ng sibuyas sa harap ko nagtago pala ako sa karinderya.

Anu bayan?! pinunasan ko ang luha ko at lumapit kay Momo.

Lumuhod ako para makapantay siya at bigla siyang niyakap.

Nagulat namna ako ng bugla niya akong itulak kaya napahiga naman ako. Naramdaman ko naman ang sakit ng kamay ko dahil naituko ko ito.

Tiningnan ko naman si Momo. Nakatingin siya sakin pero di tulad kahapon ay wala ng saya sa mga mata niya.

"Umalis kana Angel at baka di kita matyempo" sabi niya sa seryosong tono.

Napatungo namna ako "Akala ko ba gagaal tayo ngayon?" mahinang sabi ko.

"Simula ngayon huwag mo na akong lalapitan..." napatingala ako sakanya at pinigilan ang pagiyak ko "... huwag na huwag dahil pare prehas lang namna kayong mga babae manggagamit." sabi niya at naglakad paalis.

Hindi ko alam pero bigla nalang nagbagsakan ang mga luha ko. Hindi ko alam ang ngangyayari bat ba siya nagagalit sakin? Ganito ba ang pakiramdam ng masaktan? Hi di ko alam na para palang dinudurog durog ang puso ko dahil sa nangyari. Ewan ko pero parang bigla nalang namanhid ang katawan ko at parang unti unti akong nawawalang ng emosyon.

Ganon ba ang mga tao kakalimutan ang pinagsamahan niyo pag niloko siya ng ibang tao? kailngan ba damay ako dahil iniwan siya ni Geniva? Ano bang nagawa kong masam sakanya?

Ewan ko pero nakatatak na sa isip ko na wag na wag kang mageexpect sa isang tao kahit lubusan o hindi lubusan mo siyang kilala dahil sa huli pag nasaktan siya balewala ka nalang na parang bigla.

Tumayo ako at naglakad papunta sa isang bench na walang laman. Papunta palang ako pero rinig ko na ang bulungan ng mga tao.

'Bat diyan siya uupo nababaliw na ba siya'

'Naku patay siya niyan'

'Kawawa naman siya'

At iba pa pero tuloy tuloy parin ako at umupo tumungo naman ako at bigla nalang bumuhos ang mga luha ko pero wala akong nararamdamang kahit ano? sakit? pisikal man o emosyonal, ewan ko pero parang sanay na ang katawan ko sa ganitong mga bagay bagay.

"What the fuck are you doing in my seat, bitch?!"

Jail BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon