Part 9

0 0 0
                                    

Makalipas ang 1 buwan ko dito sa kulungan ay marami narin akong naging kaibigan bukod kay Sophie

"ANGEL!!!!!!" Napaupo naman ako sa kama ko nung bigla akong tawagin ni Wengie.

"Ano ba yun Wends? Ang aga aga oh?" sabi ko sabay turo sa orasan na 5:30 palang

"Gaga diba ngayon yung proposal ni Earl kay Sophie?!" napatayo naman ako ng marinig ko yun

Nagkabati na ulit kasi si Sophie at Earl nung nakaraang buwan, nung umalis ako, remember?

Dali-dali akong pumunta sa closet at pumili ng isang palda at loose shirt at naligo at ginawa ang morning routine ko

Pagkalabas na pagkalabas ko ay hinila ko agad si Wengie papunta dun sa tapat ng Gym kung saan namin napaagusapan ang proposal ni Earl kung saan tatanungin niya si Sophie kung pwede na ba silang magkabalikan.

Nang makapunta kami sa Gym ay nagkakagulo ang lahat hinila ko naman papunta sa harapan si Wends at hindi ko maatim ang nakikita ko.

Nakikipaghalikan lang naman si Earl sa isang babaeng wala na atang saplot sa harap mismo ni Sophie na ngayon ay walang ekspresyon ang mukha.

Hihilahin ko na sana palayo si Sophie at Wends ng bigla nalang tumakbo palayo si Sophie pinasunod ko naman si Wends sakanya dahil kung mapano yun.

Tumingin ako kay Earl ng diretso habang siya naman ay nakikipaghalikan parin dun sa bruhang mukhang tukmol.

Lumapit ako sakanila at biglang hinablot yung ulo nung bruha at hinagis siya palayo samin. Medyo napalakas ako kaya medyo malayo layo ang bagsak niya.

"What the fuck angel?!" sigaw sakin bigla ni Earl pero para akong nabingi at biglang hinablot ang leeg niya at itinaas siya sa ere.

Pilit siyang kumakawala saakin pero hindi ko siya hinayaan.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya maghahanda ng isang proposal kugng ganto lang din naman pala ang gagawin niya, gago ba siya?, o gusto nya lang talagang ipahiya si Sophie?

"Bakit mo yun ginawa?!" sabi ko ng nakatingin sa mata niya na kita mong nahihirapan na dahil sakal sakal ko siya.

Binitawa ko naman siya at sinikmuraan. Inulit ko yung tanong ko

"Bakit mo yun ginawa?!" sabi ko at muli siyang tinadyakan

"Re-revenge" sabi niya kaya bigla ko siyang sinipa sa mukha 

Revenge mo mukha mong gago ka, buti nga sayo.

Tumingin ako sa paligid at nagiwan ng salita bago malis

"Saktan niyo na lahat wag lang ang mga kaibigan ko" sabi ko at tinext si Wends kung nasan sila ni Sophie 

+++

Nang makarating ako sa Bahay ni Sophie ay nakita ko agad sila ni Wends na nagiinom. Nang makita niya ako ay agad niya akong niyaya na maginom pero tumanggi ako.

"Shi-huk shige na kashi Bebs INUMAN NA TAYO HU! HU! HU! HU!" sabi niya at nagsisigaw na parang tanga.

Nang tingnan ko naman si Wends ay napailing nalang ako dahil umiiyak ito imbes na patahanin si Sophie ay siya pa yata ang papatahanin ko.

"HUHUHUHUHUHUHU ganon ba lahat ng lalaki mga paasa amputek. Buti nalang talaga hindi pa ako nagkakaboyfie, siguro magboboyfriend nalang ako pag nakalabas na ako ng impyernong ito, puro gago kasi ang nandito" sabi niya at umiyak habang yakapyakap yung inuupuan ni Sophie na stool

Para silang mga baliw hayyys

Kinulit ako ng kinulit ni Sophie kaya sa huli ay tumagay narin ako.

Makalipas ang ilang tagay ay nakakaramdam narin ako ng hilo. Niyaya kami ni Sophie sa isang bar at dahil narin lulong na ako sa alak ay pumayag narin ako.

+++

* 3rd person's POV

Habang naglalakad papunta sa Bar sila Angelish ay biglang may tumabig sa balikat niya kaya bgla siyang nagsisisigaw

"HOYYYY WALANG UTAK NA NILALANG ANO SA TINGIN MO ANG GINAWA MO?!" sigaw ni Angelish

"Huhuhuhuhhu bakita kayo nag aaway" sabi ni Wengie habang yakap yakap ang upuan ni Sophie na dinala niya

"YES! YES! YES! RAMBOL TIME MADAFAKAS!" sigaw ni Sophie habang nagchicheer at tumatalon talon pa

Napailing naman ang lalaking nabangga nila at umalis nalang.

Nalungkot naman si Sophie dahil hindi natuloy ang laban habang si Wengie naman ay kinakausap ang upuan ni Sophie at si Angelish naman ay kunot noong pinagpatuloy ang paglalakad papuntang Bar

+++
* Bar

Nandito na sila sa bar at ang unang bummungad sakanila ay ang amoy usok na Bar at mga Taong halos wala nang saplot.

Dumiretso silang tatlo sa Bar Counter at humingi ng tigiisang Wine na ibinigay naman ng Bartender.

Si Angelish ngayon ay tinutungga na ang isang bote ng Wine, si aWengie naman ay kinakausap na ngayon ang Bartender at sinasabi lahat ng sama ng loob niya sa mundo na sinasagot naman ng Bartender ng isang ngiti. Si Sophie naman ay nagpaalam na magccr

Nakailang tungga na nang wine si Angelish at kanina pa rin hindi bumabalik si Sophie. Tatayo na sana siya para hanapin si Sophie ng bigla nalang may naramdaman siyang Humampas sa ulo niya at paglingon niya ay nakakita siya ng isang aso.

"HOYYY!! SINONG MAY ARI NG ASONG ITO?!" tanong niya kaya nakaagaw sila ng pansin ng mga tao.

"What the fuck bitch I'm not an aso, like kaderder kayo yun" sabi nung aso, I mean ng isang babae pala

Nagadjust naman ang paningin ni Angelish at nakitang isang babae nga ang nasaharpan niya pero napangisi nalang ng mamukhaan niya yung babae, ito lang naman ang kahalikan ni Earl tukmol kanina.

"Paano nakapasok ang isang malanding linta dito, akala ko ba no pets allowed?"

Jail BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon