❧Changbin

15 1 0
                                    

Nandito ako sa kwarto ko ngayon. Magfifilm ako ng video---oops wait lang. Di to rated spg okay? Magfifilm ako ng video dito para sa youtube channel ko.

Hinanda ko na ang mga gamit na kakailanganin ko. Camera, tripod, yung lighting, etc.

Sinimulan ko nang irecord ang video.

❝So guys!! Welcome back to my channel! Buti pa kayo bumabalik charot. Hahaha joke lang.❞

❝May pa- 'buti pa kayo bumabalik' pa akong sinasabi hahaha parang walang jowa. Jusq❞

❝Guys, since April 1 ngayon. Woooh April Fools. Ipaprank natin ang boyfriend ko, si Seo Changbin. And by the way! Salamat pala sa 15k subs uwuu.❞ sabi ko sa harap ng camera at kinuha ang phone ko para icontact si Jeongin.

Changbinnieee~
+639*********
ringing...

❝Okay...nagriring na ang phone niya.❞ sabi ko.

Pinigilan ko ang tawa ko as soon as sinagot na ni Changbin ang tawag ko.

[Kakagising ko lang. Good morning baby~]

❝Bakit tanghali ka na nagising? Anong ginawa mo kagabi?❞

❝Nag inuman na naman kayo diyan?❞

[Wala akong sinabi pero parang ganun na nga...]

Di muna ako nagsalita dahil tawang tawa na ko. Hahaha. Di ko maimagine kung ano ang magiging reaction niya.

[Ba't di ka na nagsasalita bbyq? Galit ka ba?]

Ang kyut po ng nilalang na 'to Lord. Jusq.
Kumanta naman siya bigla ng solo ni Jennie.

[Baby~ Jagi~ Yeobo~ Bigosipeo~~~]

[Sorry na po mahal~]

❝Di ako galit. Nagiisip lang ako kung paano ko ito sasabihin sayo.❞

Prank lang 'tong gagawin ko. Baka naman totohanin na niya.

[Sabihin mo na dali.]

❝Changbin...ano kasi...ayaw ko na. Nasasakal na ko. Gusto ko nang maging malaya ulit.❞

[Are you breaking up with me Y/N?]

❝Oo?❞

call ended

❝Binabaan tayo guys hahaha.❞ Tiningnan ko ang camera at kunwari na-shookt ako.

❝Teka lang guys imemessage ko siya.❞

Changbinnnieee~
+639*********

11:49 am

Punta ka dito sa bahay:

:Hihiwalayan mo ko tas papapuntahin mo ko diyan?
:No way!

Punta ka nga kasi dito:
Kulit kulit naman:

:Teka lang!

Pagkatapos ko siyang imessage ay ipinakita ko sa camera ang convo namin. ❝Ayan guys!! May reply na naman HAHAHA.❞

Changbinnieee~
+639*********

: Nasa labas na ako Y/N.

Pasok ka sa loob. Di nakalock ang gate at pinto :

Pagkatapos ng ilang minuto, may narinig na ako na mga footsteps sa hagdanan. ❝Omg Guys parating na siya.❞

❝BINNIEEE HAPPY APRIL FOOLSSS! HAHAHA❞ Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at agad ko naman siyang niyakap nung nagpakita na siya.

❝So pinaprank mo lang ako? Sayang luha ko Y/N.❞ Uwuuu umiyak pala ang baby kooo.

Humiga siya sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

❝Seo Changbin! Mag-ingat ka! May camera diyan!❞ Sabi ko habang tinuturo ang camera.

❝Nagfifilm ako ng video para sa youtube.❞ Umupo ulit ako sa may harap ng camera.

Nasa bintana lang naman yung camera tapos ang kama ko na ang inuupuan ko ngayon.

❝Bumangon ka nga diyan Binnie!
Hinila ko ang kamag niya kaya bumangon siya at umupo sa tabi ko.

❝So guys bye na~~ Yun na lang para sa vlog nat-----❞ Di ko natapos ang sasabihin ko dahil niyakap ako ni Changbin. Ni-back hug niya ko tapos nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko. Naamoy na nya siguro ang perfume ko.

❝Basta! That's all para sa vlog natin ngayon guys!! Byeee~❞ Hinahalik halikan na naman ni Changbin ang leeg ko kaya agad kong in-end ang video.

Ano na naman kaya ang nakain ng taong to? Ang clingy niya ngayon.

___________
a/n: honestly guys gustong gusto ko nang magpost ng videos sa youtube ko tapos mga D.I.Y at mga Vocal covers ang ipopost ko dun.


➣ sᴛʀᴀʏ ᴋɪᴅs ɪᴍᴀɢɪɴᴇsWhere stories live. Discover now