❧Hyunjin

48 1 0
                                    

Hinihintay kong matapos ang pagprint ng mga clearance nang may tumawag sakin ❝Y/n!!❞ It was Hyunjin. Yung kaklase kong palagi akong binubully.

Babalewalain ko na lang ang baklang to. Pero pinipilit ako na lumabas ❝Y/n!! Labas ka muna dali!!❞ Kaya ayun lumabas na lang ako.

Pagkalabas ko, nakangiti siya. Parang yung ngiti niya sa tuwing inaaway niya ko. ❝Oh tapos? Aawayin mo na naman ako?❞ Tanong ko sa kanya.

Papasok na ulit ako sa Faculty room nang pigilan niya ako. ❝Uy hindi!!❞ sabi niya.

❝Kumain ka na?❞ Tanong niya sa akin.

❝Hindi pa.❞ Kapag sumama ako sa kanya at kumain, baka may lason ang pagkain. Jusq. Di pwede yun.

❝Wait lang Hyunjin! Nasa room yung pera ko.❞ Sabi ko at huminto muna sa may pinto ng cafeteria.

❝Wag na. Libre ko na.❞ Charot naman. Ang bait niya ngayon ah. Baka sa susunod aawayin na naman ako neto.

❝Ang bait mo ata ngayon?❞ Binalewala niya ang sinabi ko at unorder na lang ng pagkain. Sana walang expiry date ang pagiging mabait sa kanya.

Kung palagi siyang ganito, siguro mga 100% crush ko na siya. Pero wala eh. 50% lang dahil inaaway ako. Ehem ehem.

Pagkatapos naming kumain ay hinila niya ako papuntang rooftop. At eto naman is ako na um-oo na lang dahil BIATCH crush ko na yung kasama ko papunta dun sa rooftop oh!

Ilang minuto rin kaming tumambay doon. Naalala ko yung pinapaphotocopy. Patay ako pag nawala yun lahat. ❝Pwede na ba akong umalis Hyunjin? Naiwan yung mga photoc----❞

❝Y/N...❞ Di niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

❝Matagal ko nang gustong sabihin to sayo and ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.❞ Wag mong sabihin na magcoconfess ka sakin Hwang Hyunjin? Baka...niloloko lang ako neto.

❝Y/N...❞ Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata kaya tiningnan ko na rin siya. Shutanginamersss kinakabahan ako sa sasabihin niya.

❝I like you.❞ Muntik na kong mapatalon nung sinabi niya yun. Baka joke lang 'to. Baka niloloko niya lang ako.

❝Okay lang if di tayo parehas ng nararamdaman.❞ Napatingin na siya sa malayo nung sinabi niya yun.

❝No.❞ Pwede naman siguro na magconfess na rin ako diba? Like c'mon! Nagconfess na si crush oh!

❝Gusto rin kita Hyunjin.❞ Sabi ko sa kanya kaya napatingin ulit siya sakin.

❝Talaga?!❞ Nakikita ko sa kanyang reaksyon na nagulat siya at the same time masaya siya.

Niyakap niya ko ng mahigpit hanggang sa maamoy ko na talaga ang perfume na gamit niya. Tiningnan ko siya ulit sa mga mata. Our faces were inches apart. Mas nilapit pa ni Hyunjin ang mukha niya sa akin. Hahalikan niya ba ako? Jusq. Kaya naman pumikit na din ako. Ilang segundo ang dumaan pero wala akong naramdaman na lips niya. Dumilat ako ulit para makita si Hyunjin na tawang tawa.

❝HAPPY APRIL FOOLS Y/N! HAHAHA. YUNG LIBRE KO KANINA, BAYARAN MO YUN!❞

Oh diba. Ni-scam niya tayo mga beshyy! -_-

➣ sᴛʀᴀʏ ᴋɪᴅs ɪᴍᴀɢɪɴᴇsWhere stories live. Discover now