❧Jisung

51 5 0
                                    

•you•

Y/N..

❝Y/N gising na.

Jisung naman eh! Ang aga aga pa oh.❞ Napasigaw ako nung ginising ako ni Jisung. Duhhh ang sarap sarap na ng tulog ko oh tapos gigisingin ako bigla?

Di pa call time oh. Haleeerrr!❞ Dagdag ko.

Nandito pala kami sa Catafé. Inannounce ng principal namin na magkakaroon daw ng camping and ayun pinayagan ako ni mama for the first time in forever. At si Jisung? Nakikishare lang talaga yan sa tent ko. Di daw pwede magshare ng tent ang lalaki at ang babae sabi ng team leader namin pero bahala na. Tamang tago lang sa tent guys.

HAHAHA! Yan ba yung 'naiinis ako sayo dahil sinira mo ang panaginip ko' face mo?❞ Nakakainis rin tong baklang 'to eh. Paalisin ko kaya to sa tent ko aba--

Ahhh so ginising mo lang ako para pagtawanan?❞ Unti unti kong nararamdaman ang pagsakit ng puson ko pero binalewala ko na lang.

Uy hindi ah!❞ Sabi niya at humiga ulit.

Pota ang sakit talaga ng puson ko ngayon. Geh matutulog na ulit ako, Jisung.❞ Matutulog na sana ulit ako kaso tinawag na naman ako ni baklang Jisung.

Teka lang Y/N.

Ano na naman?!❞ Inis kong sabi.

Ano kasi eh..❞ Potanes oh kinakabahan na ko sa sasabihin niya.

Kasi???

May dugo.

Ha? Asan? Wag mong sabihin---❞ Sana naman di ako nagkaroon ngayon since sumasakit ang puson ko.

Nasa comforter. May mantsa.❞ Di ako makapaniwala sa sinabi niya kaya agad akong bumangon at tiningnan ang comforter.

Meron ka ata ngayon.❞ Sabi niya. Di nga siya nagsisinungaling. Kaya pala sumasakit ang puson ko. Tumingin ulit ako kay Jisung at medyo natatawa na naman siya.

HOI HAANNN JIIISSUUNNGGGG!! WAG KANG TUMINGIN!❞ Pinatalikod ko na muna siya para di nakakahiya diba.

Shh! Wag kang sumigaw magigising ang ibang kasama natin.❞ Edi magigising sila charot joke lang po.

Tangna mo bakit di mo sinabi sakin kanina.❞ Sambit ko habang hinahanap ang phone ko at nainis naman nung nakita ko itong lowbatt.

Pahiram ng phone mo. Daliii.❞ Agad niyang ibinigay sakin ang phone niya habang tinatakpan ang mukha niya.

Sinubukan kong tawagan ang pinsan kong si Lou and thank God she answered.

Lou, may dala ka bang ano...?❞ Sana naman magets niya yung 'ano'' na tinutukoy ko.

[Napkin ba? Sorry Y/N naiwan ko kasi eh.]

Sige sige salamat na lang.❞ Sabi ko habang nakayuko.

Jisung eto na ang phone mo.❞ Ibabalik ko na sana ang phone niya pero nawala na siya bigla.

Aba--lumabas pala siya nang di ko namamalayan.❞ Mala-ninja rin pala eh HAHAHA.

Paano na to? Ano nang gagawin ko?❞ Kinakausap ko na lang ang sarili ko at ilang minuto ang nakalipas ay pumasok na ulit sa tent si Jisung na may dalang NAPKIN?! WTF.

Hoi saan yan nanggaling? Ba't may ganyan ka? Sino ang nagbi---❞ Pero yung totoo, saan niya yun kinuha?

Shhh! Wag puro tanong Y/N. You should thank me first.❞ Yeah right. Ang swerte ko may kaibigan ako na kagaya niya.

Thank You, Jisung.

➣ sᴛʀᴀʏ ᴋɪᴅs ɪᴍᴀɢɪɴᴇsWhere stories live. Discover now