❧Jeongin

20 0 0
                                    

•you•

Nasa loob kami ng classroom namin ngayon. Naghahanda ang aking group para sa performance namin mamaya. Isa ako sa kasali sa mga nagcocover dance at itong group namin ay isang cover group meaning nagcocover kami ng sayaw ng kahit anong kpop group.

Sa loob ng classroom, naka-on lahat ng ilaw, electric fan pati ang aircon. Nakahati sa dalawang section ang room. Nilagyan kang naman nila ng kurtina ang gitna. Ang half ay para sa mga magpapamake up at ang other half ay yung para sa mga magbibihis ng outfit nila.

Malapit nang matapos ang make up ko. Maglalagay na sana ako ng lipstick nang pigilan ako bigla ng isa sa kagrupo ko. ❝Baklaaa! Wag ka munang maglagay ng lipstick. Hindi daw iyan ang shade na gagamitin.❞ kaya ibinalik ko na lang muna ang lipstick sa lalagyan.

❝Y/N! Hinahanap ka ni Jeongin!❞ sigaw ng isa sa mga assistant namin.

❝Teka lang!❞ sabi ko at lumabas muna. Medyo di rin ako nakakahinga sa loob.

Napangiti ako nang nakita ko si Jeongin na nakaupo sa bench at kumakaway sakin. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

❝Yeyy magpeperform sila mamaya! Excited ako Jagi~~❞ Excited na sabi ni Jeongin sa akin.

❝Mas excited ka pa ata kesa sakin, babe?❞ Ang kyut ni Jeongin. Everytime nags-smile siya tapos mawawala ang mga mata niya hehe joke lang.

❝Hmm. Hahaha parang ganun na nga!❞

❝Diba magpeperform rin kayo mamaya? Bakit nandito ka pa sa labas?❞ Magpeperform rin ang group nila, Stray Kids mamaya.

Nakaupo ako pero medyo nahihilo ako. Ang weird. Tumahimik muna ako bigla. Bakit kasi di ako kumain kanina.

❝Di ko ba pwedeng puntahan ang girlfriend ko?❞ sabi niya at nag pout.

❝Bakit ka natahimik? Y/N?❞

❝Wait...❞ tiningnan niya ako ulit. Bakit niya ako tinititigan?

❝Namumutla ka ata? Kumain ka ba?❞ Sorry talaga. Kasalanan ko to eh. Nagpanic na tuloy siya.

❝Teka lang diyan ka lang!❞ tumayo siya at tumakbo palayo pero tumigil siya at bumalik sa bench namin. Nanghihina na ako.

❝Ay mali! Sumama ka sakin!❞ sabi niya at sinakay ako sa likod niya at yun lang ang nangyari bago magdilim ang paningin ko.

❝Eonni? Okay ka na?❞ Tanong ng maknae ng group namin. Nagising ako nung naramdaman kong may nagbebraid ng buhok ko and yeah..si Bang Chan yun

❝Gising na si Y/N guys!!❞ sabi ni Bang Chan at tumayo ang ibang members mula sa pagkakaupo nila.

❝Bigyan niyo siya ng tubig uy!!❞ Sabi ni Changbin.

❝Makakatayo ka na ba ulit Y/N?❞ Tanong ni Felix at binigyan ako ng tubig.

❝A-anong n-nangyari?❞ Tanong ko.

❝Hinimatay ka kanina. Tapos dinala ka ni Jeongin dito.❞ Sagot ni Ate Nurse.

❝Gomabda~~❞ Napangiti ako nung narinig ko yun. Ang sweet kasi irrrgghh! Nakita ko si Jeongin na nakatalikod, nasa may water dispenser siya at naglalagay ng mainit na tubig sa cup noodles.

❝Nagperform na ba kayo? Tapos na ba?❞ Tanong ko.

❝Hindi hindi. May 1 hour pa tayong natitira.❞ ipinakita ni Minho ang screen ng phone niya na may relo.

❝Y/N, dito ka na lang muna baka mapano ka na naman.❞ Hinawakan ni Jeongin ang braso ko nung tumayo na ako.

❝No, Jeongin. Kaya ko na to. Magpeperform ako kasama nila.❞ pagpupumilit ko.

❝Pero kumain ka muna.❞ Kinuha niya ang cup noodles na nasa desk at binigay sa akin.

❝Okay~❞ tinanggap ko naman yun at kumain na.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na kami sa clinic.

❝Goodluck Y/N.❞ nasa back stage ang group namin ngayon dahil anytime tatawagin na kami ng MC.

❝Goodluck din sa inyo~ I love you~❞ sabi ko kay Jeongin at hinalikan siya sa cheeks.

❝I love you more~❞ sabi niya bago ako halikan.....sa lips.. Ok rip

Tinawag na ang group name namin kaya umakyat na kami sa stage at nagperform na. Sinayaw namin ang Babe ni Hyuna. Ako ang ginawa nilang center meaning ako si Hyuna dito tapos back up dancers na ang iba. Tapos na kaming magperform at pumunta ulit sa backstage.

❝Congraaatssss!! Babbbyyyy I love youuu!❞ Napangiti na naman ako nang makita kong tumatakbo si I.N. papalapit sakin at niyakap ako.

❝I love you too, I.N~❞ niyakap ko naman siya pabalik. Ang bango niya po. Jusq po.

❝Sana ol may lablayp diba?? Sana ol.❞ sabi ni Woojin habang nakatingin sa amin at naka-corssed arms.

➣ sᴛʀᴀʏ ᴋɪᴅs ɪᴍᴀɢɪɴᴇsWhere stories live. Discover now