part 23

56.3K 666 49
                                    

Pagkagising ko ay nagulat ako dahil may mga petals at chocolates sa bed ko. May nakasulat pa sa ceiling na "I LOVE YOU".

Sino naman kayang gumawa nito? si JC?

Tumayo ako at may nakita akong note sa door ko. Kinuha ko ito at agad na binasa.

"Good morning wife"

Simple lang ang nakasulat pero napangiti naman ako. May pasok pa ako kaya pumunta ako sa kitchen para sana magluto nang breakfast ko kaso may food na naka prepare at may note ulit na naka shape sa heart.
Kinuha ko ito at muling binasa.

"Wife ipinag luto na kita. Maaga kasing umalis ang Mom mo. So, pumasok na lang ako sa bahay nyo at ako na ang nag luto. I love you~ mwah~"

Kumain na ako habang hindi ko maiwasang kiligin. Damn it! Ang effort naman ni JC! Na miss ko tuloy sya!

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto at saka ko lang napansin ang isang violet rose na may note sa side table. Napangiti na naman ako at nag madali akong tumakbo at kinuha ko iyon. Sinong hindi kikiligin sa ganitong gestures?

"Wife,
I love you! Pinag luto na kita at ni-ready ko na din ang breakfast mo. Sorry pala kagabi for making you mad. Mag so-sorry sana ako nang personal kagabi kaso naka lock yung window mo. Sorry kung note na lang ang iniwan ko kasi ayaw kitang gisingin. Uuwi muna ako. Nag tampo kasi si Mom dahil hindi ako umattend sa meeting kagabi. Mas pinili kong makasama ka kagabi kaya ang kapalit ay kailangan naming mag bayad  for the breach of contact. Don't worry. Mahal parin kita, kitty. Kahit hindi mo ako mahal.
                                                     -Z.Z.A"

Nalungkot naman ako bigla dahil ang laki nang sinacrifice nya para sa akin pero sinaktan ko lang sya tapos sya pa ang nag so-sorry.

What the hell is wrong with me?

Bakit sinasaktan ko yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako?

But is it my fault kung si JC ang mahal ko? Hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko na mahalin si kuya.

At the same time na disappoint ako dahil hindi si JC ang gumawa nang mga sweet gestures na iyon.

Teach me KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon