1 (Card No. 51)

29 1 0
                                    

"Tss. 50"

Umiling sya. Iniisa-isa kasi namin yung mga love letter sa locker nya at pang 50 na tong isang to. Ang dami talaga. Siguro kung binebenta namin to sa junkshop edi sana may pang lunch na kami. Haha! Kidding.

Pero grabe talaga. Umaapaw lagi ang locker nya sa mga papel. May galing sa lower year, may mga bakla, may mga kaklase pa nga namin e. Walanjo.

"Ayaw mo pa? E last time nga umabot ng 100 o higit pa."

Sabi ko habang inuusisa yung ibang sulat. May mga abubot pa sa papel, may kung anong scrapbook designs, may amoy pa, yung iba naman may picture pa nila, kanina may nakita akong picture ng girl maganda naman.. yung iba may nakalagay pang phone number nila.

"51."

Natigil ako sa pagbabasa. Paglingon ko may hawak syang isang card na color blue. Nakatingin sya sakin ng diretso at unti-unting nag form yung lips nya at ngayon ay nakangiti na sya. Napayuko at napapikit ako.

"Eto na talaga.. buti sumulat sya.. okay na-"

"Mauna na ko, Dylan."

Sabi ko sabay hablot sa bag ko nang hindi sya tinitingnan. Nilapag naman nya yung card at tiningnan ako.

"Oh? Edi ba nga itatapon pa natin to? Tsaka, sabay tayong uuwi... diba?"

"Kaya mo na yan! Naalala ko. May groupings pala kami. Sige."

Tumakbo na ko paalis.

Umupo ako sa bench malapit sa CR ng girls. Bakit ba dito ko napadpad?

"Oh My God!"

Bulong ko. Huminga ako ng malalim. Kinatok-katok ko pa ng mahina yung ulo ko.

"HI SHAI!"

Nahinto naman ako sa pagkatok sa ulo ko. Nagulat naman ako dun. At siguro napansin din nya yung pagkagulat ko. Grabe naman kase!

"Oopps! Sorry. Si Dylan?"

Tanong nya sakin. Hindi ko sya.kilala pero di narin ako nagtaka kung bakit nya ko kilala. Ganon naman silang mga 'fan girls' ni Dylan, basta may ipapaabot sakanya kilala nila ko, pero pag wala deadma. Pero madalas kilala nila ko kasi nga.. Well, wala din naman akong pakialam.Tss.

"Hindi ko alam kung nasan na sya ngayon. Kanina nasa locker area sya, ewan ko kung nandon pa. Tingnan mo."

"OH MY GOSH! Baka he was reading it na! Shocks! I'm nervous. Gosh!"

Bulong nya na halata namang narinig ko. Dito pa talaga sya sa harapan ko nag inarte?! Umalis narin yung babae. Salamat naman. At tumingin sa locker area...

Blue CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon