Nakapangalumbaba ako sa mesa habang pinaglalaruan yung ballpen ko. Natanaw ko yung tarp ng school kung saan may picture ni Dylan pati ng isang estudyante. Ang dami na talagang nahuhumaling kay Dylan. Popular. Matalino. Model pa sya ng school namin. Halos mapuno nga lagi yung locker nya sa sobrang dami lagi ng sulat. Nung nakaraan nga, may naglagay pa ng chocolate. Sakto namang hindi sya nagbukas ng locker dahil nag review kami sa library. Sobrang nagalit sya nun dahil natunaw yung chocolate at nagkalat sa loob. Ewan ko kung pano nagkalat yon pero sa sobrang galit nya hinagis nya yung tunaw na chocolate sa isang estudyante. At sakto namang yun din yung naglagay ng chocolate.
*sigh*
Pero kahit na nakita na nilang nagalit si Renz, hindi sila tumigil. Madami paring nagmamahal sakanya. Syempre.kasama ko dun. Magkaibigan kami e. Magkaibigan...
Huminga muna ko ng ubod ng lalim bago hinulog sa locker nya yung card. Tsumempo pa ko para lang makarating dito ng walang makakakita. Kanina kase may mga tao dito, syempre.. Huminga ulit ako ng malalim bago tinalikuran ang locker na iyon.
"Isabel."
Halos tumalon ang puso ko sa sobrang pagkagulat. Hindi ako agad nakapagsalita. Totoo ba? Nakita nya? Nakita nya yung paglagay ko?
"Ikaw?
Y-yung blue card?"
