Inabot nya sakin yung envelope na puno ng blue card.
Yung card ko...
"Shai, sayo to diba?"
Seryoso yung mukha nya. Naiisip ko tuloy na talagang galit na sya sakin, sa ginawa ko.
"Nope. Kay Polly 'yan, Dylan."
Sumimangot sya. Pero nanatili akong nakangiti..
"Sigurado ka, Shai? Na HINDI 'TO SAYO?"
Tanong nya na may diin sa huling mga salitang binitawan nya.
"Sino na mang may sabing akin 'yan ha? AKO? GAGAWA NG CARD? PARA SAYO? HAHA Kay Polly nga 'yan."
(Dylan's)
Bakit ba sya ganito? Bakit ayaw nya saking aminin na sya 'yon? Bakit kahit na nasa harap na nya ko at kami lang dalawa dito ay hindi nya parin masabi? Bakit nagmamatigas parin sya na hindi sya yung may gawa?! Alam ko na naman lahat e! Gusto ko lang iklaro. Gusto ko lang magmula mismo sa bibig nya. Mas lalo lang akong naguguluhan at nalulungkot dahil nakangiti parin sya. Pero hindi parin matatago yung pamumula ng mata nya.
Mula sa bulsa ko, hawak ko na ngayon yung papel.
"E eto?"
Tanong ko sakanya. Hawak ko ngayon yung blue card na ginawa nya kanina sa room. Sana 'wag na nya 'tong itanggi. May pangalan naman nya e. Narinig kong may binulong sya pero hindi ko narinig ng malinaw.
"Hindi. Nagkataon lang sa papel."
Banaman Shai! Huling-huli na tinatanggi pa.
Pumunta nalang ako sa harap nya.
"Shai.. ikaw."
Umiyak na sya sa harap ko. Masakit makita na umiiyak sa harap mo yung taong sobrang mahalaga sayo. Nahihirapan na siguro sya sa mga nangyayari ngayon. Shai..
"Galit ka ba, Dylan? Sorry.. hindi ko kaya.. hindi ko kayang sabihin sayo yung mga nararamdaman ko.. ititigil ko naman e. Kasi ayokong yung friendship natin yung maging kapalit.. "
