Papunta na ko sa room nang makita ko yung dalawa na parang nagtatalo. Makakasalubong ko si Polly at Dylan. Hindi naman siguro nila ko mapapansin kaya nagdire-diretso lang ako ng paglakad. Humigpit yung hawak ko sa bag ko nung malapit na ko sakanila. Akala ko lang na hindi nila ko napansin pero nung nasa tapat na ko ng room..
"Hi, Shai!"
Tawag sakin ni Polly habang nakapulupot yung kamay sa braso ni Dylan. Nag half smile lang ako at ganon din si Dylan.
Walang nagturo samin ngayon. Nakapangalumbaba na naman akong naglabas ng papel..
"Bye, Dylan. I LOVE YOU."
Si Polly 'yon. Tahimik lahat kaninang nagsalita si Polly. Ngayon, footsteps lang ni Dylan yung maririnig. Napapikit ako.
Dapat AKO talaga 'yon e. AKO dapat yung kasama MO ngayon HINDI SYA. DYLAN, AKO YUNG GUMAGAWA NG BLUE CARD. AKO YUNG GUSTO MONG MAKITA. AKO YUNG GUSTO MONG MAKILALA.
Dylan, ikaw yung mahal ko..
Tumulo na talaga yung luha ko. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas. Nagulat pa nga yung mga kaklase ko dahil sa ginawa ko. Tinawag pa ko nya ko..
Nakarating ako sa ginagawang playground malapit sa school. Hindi ko na pinansin kung may tao ba o wala. Pumukit ako..
"Bakit kasi natakot ako sa isasagot sakin ni Dylan? Bakit kasi natakot ako na baka layuan nya ko?Na baka pag-isipan nya ko ng masama.."
"SHAI."
Tumigil ako sa pagiyak. May tumawag sakin.
"SHAI."
Tinalikuran ko sya at pinunasan ang mga luha ko. Pinagpag ko yung uniform ko. Aalis na sana ko nang bigla nyang hawakan yung braso ko. Huminga muna ko ng malalim at humarap sakanya.. ng nakangiti.
Nakatingin lang sya sakin ng seyoso at may inabot...
