"Shai, di ka pa ba tapos umiyak? Tahan na.."
Hinampas ko naman sya. Loko.
"Si Polly?"
Tanong ko. Hindi pa kasi nya nababanggit si Polly.
Ginulo nya yung buhok ko.
"Wag na natin syang pagusapan. Kinlaro ko na yung nangyari kanina bago ako pumunta sayo. Ang mahalaga okay na lahat."
Hinawakan nya yung kamay ko habang nilalakad namin yung daan pabalik ng school.
Yung mga taong nadadaanan namin nakatingin sa magkahawak naming kamay. Bigla naman nyang binitawan yung kamay ko kaya naman nagulat ako.
"Sinabi ko sa sarili ko na magdadahan-dahan at hinay-hinay muna ko sayo. Ayoko na kasing mahirapan ka at umiyak ng sobra katulad kanina.."
Ngumiti sya.
"Liligawan muna kita. :)"
Masaya ko sa mga narinig ko mula sakanya. Eto na. Eto na yung oras para samin. Mahal ko sya at mahal nya ko.. hindi dahil magkaibigan kami o ako yung gumawa ng blue card kundi dahil mahal namin ang isa't-isa. Basta.
:) :)
"Dylan, gagawa ulit ako ng bluecard."
Nakangiti kong sabi sakanya.
"Invitation card dapat."
Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya. Tiningnan ko sya.
"Huh?"
"Hindi ka na gagawa ng card na ganun dahil ngayon palang magisip ka na ng design sa invitation card for our wedding. He-he. J-joke."
Kanina nakakunot yung noo ko pero ngayon tumatawa na ko. Haha! Grabe! Loko to!
Tumigil ako sa pagtawa. Namumula yung mukha nya hanggang sa tenga nya. Hmm.. :)
"Dylan, namumula ka-"
"Ah! Sht! S-sorry. I mean, ano kasi.."
"Oh, ano?"
Nakangiti parin ako.
"Tss. Sige na, pasok na tayo."
"Sabihin mo muna."
"Wag na."
"Pl-"
Kinurot nya yung pisngi ko.
"Mahal kita. Kinikilig lang ako.."
Halatang nahihiya pa sya nung sinabi nya sakin yun. Masama na ba ko kung tatawa ko? Haha! Ang cute cute nya.
"Tama na nga."
Nabigla naman ako ng kaunti dahil yung kamay nya nasa braso ko.. pababa.. ng pababa.. hanggang sa magkahawak na ulit yung kamay namin.
"Sorry. Di ko talaga mapigilan e. Gusto ko talagang hawakan yung ano-"
O_O
*katok sa ulo* Sorry. May iba lang akong naisip sa sinabi nya. *katok ulit sa ulo*
"Gusto kitang halikan.. Ah! Sht!"
UGH. Gusto nya kong halikan? God. Hell YES! SURE! Ugh. Joke.
Pareho na kaming namumula ngayon. Nasa room na kami ngayon. Last period na.
Pinagtinginan naman nila kami. Naalala ko. May fan girls dito si Dylan! Aw. Gulo na ituu. Kakawala sana ko sa pagkakahawak nya pero pinigilan nya ko..
"Wag na Shai! Alam na namin!"
Sigaw ng isa sa mga kaklase namin. May nagsalita pa..
"Pinagsigawan nya dito kanina:
SAN PUPUNTA SI SHAI? DALI! SABIHIN NYO! BIBIGYAN KO NG DOS YUNG MAGSASABI KUNG NASAN YUNG MAHAL KO!!! Hays. O diba ang OA?"
Nagtawanan naman lahat. Seryoso? Sinabi nya 'yon? Namumula na talaga ko. Tiningnan ko sya. Namumula parin sya at bumubulong ng:
Sasapakin kita Son (yung huling nagsalita) Mamaya ka sakin..
Masaya ko ngayon kaya..
Nag tiptoe ako para maabot ko sya, tangkad tangkad kasee!
Bumulong ako:
"I love you,too"
Nagulat kaming lahat dahil biglang umabante si Dylan at dire-diretso sa table. Mas lalo kaming nagulat dahil wala palang nakapansin na nasa pintuan na pala si Ma'am.
"Tama na ang Iloveyou-han dyan!"
Aw. Kahiya-hiya to. Napayuko ako. Si Dylan naman napakamot nalang ng batok.
"KAYONG DALAWA!(sabay turo samin ni Dylan gamit yung dalawa nyang kamay dahil magkalayo yung upuan namin sa isa't-isa) NAKITA KO KAYO KANINA NA KAKAPASOK LANG SA GATE! ABA! ABA! DAPAT NANDITO LANG KAYO SA ROOM,AH?! HINDI PORKET KAYO NA--"
Hay. Ba't ba sya nanenermon? Sumubsob nalang ako sa desk. STOP KA NA OH? NAKAKAHIYA NA TALAGA. Mahilig pa naman to si Ma'am na habang sinesermonan kami e gusto na may nanonood/nakikinig pa.
"Tama na pl-"
"Hexcuse meh poh maahm! Hooh!"
Hinihingal si kuya. Mukhang ka level lang naman namin.
"OH?"
Mataray na sagot/tanong ni maam sakanya.
"May nagpapabigay po kay (tingin sa palad nya) kay Cess."
Napa 'AWW' naman lahat pagkakita sa inabot ng kuya na bigla naman tumakbo paalis. Yung iba kinakantyawan na si Cess. Sya yung kaklase naming 'nerd' pero gandang ganda talaga ko sakanya :)
"Lovelife.. Tsk. Tsk."
Umiling-iling pa si Maam. Ako naman nakatingin kay Cess. Natatawa ko sa reaksyon nya :)
Hahaha! Cute. :D
At dahil nasa likod lang ni Cess si Dylan ko ay nagkatinginan kami at kapwa napangiti..
"Look!"
Tinaas nya yung card ni Cess sakin, naalala ko tuloy yung mga pinaggagawa ko. -___-
Nagsalita si Dylan ng mahina..
I LOVE YOU ..
