Umiyak na ko sa harap nya.. Hindi ko na talaga kaya..

"Sa building 2, nagulat ako nung si Polly yung nakita ko kaya nagtaka ko. Kasi hindi naman sya.."

"H-huh?"

"Nakita kita.. nung sinulat at hinulog mo yung card sa locker ko. Pupuntahan na sana kita pero naunahan ako ni Polly..."

Nakatingin lang sya sa mga mata ko.. na para bang nagpapaliwanag kapalit ang buhay nya.

"..nagtago ako dahil baka makita nyo pa ko. Narinig ko yung pinagusapan nyo ni Polly.."

Patuloy parin yung pagiyak ko kahit sobrang nagugulat na ko sa mga sinasabi nya.

"Pero hindi ko narinig lahat dahil may tumawag sakin.. na hindi nyo na napansin.."

"..masaya ko sa nalaman ko Shai."

Dun lang ako huminto sa pagiyak.

"Totoo yung sinabi ko na gusto kong makilala yung gumawa ng card. Kaya kita tinanong kung wala ka bang kikitain 'non dahil gusto kong tingnan kung totoo ba talagang ikaw..

Pero ang pinaka gusto ko ay malaman mong gusto kita."

Ngumiti sya..

Blue CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon