"Polly."

God. Pumiyok pa ko. Banamanyan.

"So ikaw pala yung matagal nang hinahanap ni Dylan.."

Hindi parin ako nakapagsalita. Napapikit ako. Yung sinabi ni Dylan:

PAG NALAMAN KO TALAGA KUNG SINO YUNG NAGPAPADALA NG BLUE CARD HINDI AKO MAGAATUBILING LAPITAN SYA AT MAKILALA PA NG HUSTO..

IBA TALAGA SYA. NAPAPANGITI NYA KO SA SIMPLENG SULAT NYA..

GUSTO KO SYANG MAKILALA..

At saktong nandon si Polly nung sabihin yun ni Dylan.

Ngayon. Nakangisi na sakin si Polly. Iba yung nararamdaman ko. Balak ba nyang sabihin kay Dylan? Dapat pala tinigil ko na yung pagsusulat at pagpapadala ng card na 'yon sakanya.

Umiling ako na para bang nagsasabing 'wag na nyang ituloy' kung ano man yung nasa isip nya. Pero tumalikod sya na syang mas lalong nagpakaba sakin.

"Polly.. please."

Ilang segundo pa bago sya humarap sakin nang nakangisi.

"Okay. Madali naman akong kausap, Shai."

"Thank you."

Nag half smile nalang ako. May kaba parin sa puso ko pero hindi na gaya kanina. Pero nagtaka ko dahil kumunot yung noo nya.

"Nah. Hindi pwedeng thank you lang. Walang bayad? Duh! Sinuswerte ka naman 'ata, Shai."

Pumikit ako. Hindi ko na to kinakaya.

"Madali akong kausap, pero hindi ibig sabihin 'non e, free na."

Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita..

"A-anong gusto mo--"

PRE!

Blue CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon