"Shai! Magkikita na kami!"
Ang lapad ng ngiti nya. Kung alam nya lang sana yung totoo. Pero wala akong ibang nagawa.
Tumango lang ako.
"Wala ka bang pupuntahan? Wala ka bang kikitain?"
Tanong nya. Ako naman nakakunot na yung noo ko.
"Sino namang kikitain ko?"
SANA. Kaso dahil ang tanga ko, nagkagulo-gulo na ang lahat. *yawns* Makikipagkita nalang ako sa kama ko nang makatulog na.
"Mauna na ko, Shai. Pupunta pa ko sa Building 2."
Makikipagkita na sya kay Polly na dapat naman talaga ay AKO.
Ito yung hiningi nyang kapalit. Hindi pa ako handang magpakilala kay Dylan at natatakot sa posibleng mangyari. Pero hindi ko lubos na maisip na 'pumayag' ako sa usapang 'yon. Sya yung magpapakilalang gumagawa ng blue card. AKO YUN E. AKO DAPAT 'YON. Sinayang ko lang yung efforts ko. Na sana ngayon, nagcoconfess na ko kay Dylan. Napapikit ako. Sana panaginip lang lahat 'to. Sana wala nalang blue card *sigh* I mean, sana si Polly nalang yung wala. Maniniwala kaya si Dylan? SYEMPRE NAMAN. Parang wala naman silang pinagsamahan 'nun. Kahit hindi ko alam yung reason ng break up nila, nafe-feel ko na nandoon parin yung feelings na nabuo sakanilang dalawa. Wala kong laban don. Feelings ko pa nga lang di ko na naipaglaban e. SI DYLAN PA KAYA? Tumingala ako sa langit.
Kinatok ko yung ulo ko.
"Wag kang iiyak.. wag mong iiyakan yung sarili mong katangahan."
Pero hindi na napigilan at tumulo na yung luha ko..
"Dapat di ako pumayag. Dapat pinaglaban ko yung nararamdaman ko. Sana di ako nagpadala sa takot ko, sa 'what ifs' ko. Pinaglaban nalang sana kita.. Dylan."
Kahit malabo na yung paningin ko, tinakbo ko parin yung daan papunta sa building 2.
At doon ko nakita si Dylan na kasama na si Polly sa paglabas ng gate..
