Chapter 1

1.1K 475 24
                                    

Kim's POV

I'm currently day dreaming in the middle of our teacher's discussion. Palagi naman akong ganito, what's new? Patay na patay kasi ako sa isa diyan!

'Yong crush kong sing tangkad ko lang pero ubod ng kapogihan. He's a year older than I am but mas mukha pa akong masmatanda sa kanya.

Kanina pa ako nakatitig sa kanya't kahit ano'ng gawin ko, 'di talaga ako makatingin palayo.

Two seats apart lang kasi siya sa akin kaya maski amoy niya naaabot ng malalantong kong ilong. Umayos ka diyan, Kim! Pinalaki kang desente ng mga magulang mo, utang na labas!

"AY ANAK NG—!"

Muntikan na akong mahulog sa upuan ko nang may biglang maghampas ng libro sa harapan ko.

Ngali-ngali akong napaupo ng maayos saka ko tinignan si ma'am na galit na nakatingin sa akin.

"Ay—hi, ma'am. Anong ginagawa niyo po diyan?" Patawa kong sabi pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Anak ng ano, Miss Kim?" Taas-kilay niyang tanong.

"Ang alin po?" Nakanguso kong tanong habang pinipigilan ang sariling 'di mapangisi at mamatay-matay na sa kakatawa si Rica sa tabi ko.

'Yong tawa niya pa, pang tanga. Naka silent mode!

"What do you think you're doing, miss Kim? And for your information, this is a classroom and not a place where you can simply stare at mister—"

"I'M NOT!" I cut her off before she could continue.

"Too defensive." She chuckled before heading back to her table.

"I assume you've understood everything I've discussed, miss Kim, or else you're going to fail this subject," she even gave me a mocking smile bago siya umupo.

Napatakip nalang ako ng mukha nang pagtawanan ako na ako ng mga kaklase ko. Iba kasi ako kapag nahiya, sumasabog sa sobrang pula. Buti nalang at nag ring na 'yong bell at do'n na nabaling ang atensyon ng mga kaklase ko.

"Hey!"

Pasimple kong tinignan si Lyn na nakaupo lang sa likuran ko nang kublitin niya ako.

"What is it now?" Singhal ko habang inaayos mga libro ko sa bag.

"Did you see his reaction? He laughed at you!" She teased, nudging my shoulder.

"Isang tukso pa, Lyn. Mahahampas ko na 'tong bag sayo," banta ko kaya agad siyang napatakom.

"Tara, snack tayo. Gusto ko lang lumimot," tumayo na ako't inantay sila.

"Alak lang katapat niyan—aray ko naman," ngiwi ni Lyn. Mukhang nasundot na naman ni Rica sa tagiliran.

Nagtinginan lang sila't umiling si Rica. Ewan ko ano'ng neron do'n at wala naman akong pake kaya nauna na akong lumabas.

"Siopao na naman?" Tanong ni Rica nang makaupo na kami.

"Pinaninindigan mo talaga 'yang panggagaya mo kay Rhen, noh?"

Dagdag naman ni Lyn. Inirapan ko na nga lang sila. 'Di naman kasi ako guilty.

"Hindi ako gaya-gaya, noh! Plastik lang akong tao pero hindi ako gaya-gaya!"

Sabay lang silang natawa, eh, hindi naman joke 'yon. Araw-araw, ganito nalang lagi set-up namin tuwing recess time and yes, tanging siopao lang 'yong kinakain ko kasi 'yon 'yong paborito ng mahal ko. Hindi ko sinasabing si Rhen 'yon, ah.

Pabalik na kami ng room nang makita ko si Rhen habang naglalaro ng basketball. Speaking of the angel!

Hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti kapag nakikita ko siya. Siya kasi talaga kumukumpleto ng kaharutan—ng araw!! Ng araw ko!! Sa'n nanggaling 'yong first?!

Pansamantala akong nawala sa ulirat. Parang nag slow motion ang paligid ko nang tumingin siya sa kinaroroonan ko tapos para bang binabanggit niya pangalan ko.

"Kim! Ilag!"

My senses were back nang may biglang sumigaw ng maalindog kong pangalan.

Too late to realize when something came in contact with my head. Feeling ko naalog utak ko nang matamaan ako ng ligaw na bola kaya agad akong bumagsak.

"What the fuck was that?" Napamura nalang ako habang sapo-sapo ulo ko sa sobrang sakit.

Kamuntikan pa talaga itong humampas sa sahig, buti nalang at agad kong naitukod siko ko. 'Di bale nang sugatan, kaysa naman kumalat utak ko dito, 'di ba?

"Omg! Kim? Ayos ka lang?" Tanong ni Lyn habang tinutulungan ako sa pag-tayo.

Magsasalita ulit sana ako nang mamalayan kong nakatingin lahat ng estudyante sa akin.

Two times in a row ko nang ipinahiya sarili ko today, ah! Parang gugustuhin ko nalang palang mahampas ulo ko sa sahig. Sige, ulit!

NASA GITNA NA PALA KASI AKO NG COURT!

Watdapak of the pakening pakers! Ano'ng ginagawa ko dito?!

Pinagtulungan na akong ipinatayo nina Lyn at Rica pero natutumba parin talaga ako sa hilo hanggang sa may brasong pumulupot sa baywang ko para alalayan akong makaupo sa malapitan na bench.

"Hey! Are you okay? Shit! I'm really sorry."

Hindi ako nakapagsalita nang pagtingala ko, tumambad sa akin ang mukha ng taong pinakamamahal ko.

~~
[A/N] Not reviewed. Not edited. Tamad parin si Shane na mag-edit. Hahaha.

𝐈 𝐍𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐓𝐡𝐨𝐮𝐠𝐡𝐭Where stories live. Discover now