Jung's POV
I was walking on the school corridor when I saw Rhen went inside their room. Natigilan ako sa paglakakad saka napakurap-kurap ng ilang ulit.
Was it me? Or nabuhay na talaga ang gagung 'yon?
Kumaripas ako ng takbo papunta sa room nila and Yeah—hindi ako nagkamali, si Rhen nga 'yung nakita ko.
"Potangina, nabuhay!"
Gulat kong sabi kaya napatingin siya sa direksyon ko.
Nginitian niya lang ako ng tipid habang inaayos ang mga gamit niya tapos umupo na.
Nilapitan ko siya saka siya kinaldagan sa likod. Rinig na rinig ko tuloy'ng nahulog baga niya sa kanyang apdo.
"Dude! That's mean!" Reklamo niya habang himas-himas likuran niya.
"Mean?" Pag-ulit ko para cool. "Eh, ikaw nga 'tong nawala ng ilang linggo. Hindi mo pa binibisita girlfriend mo sa hospital anak ng tokwa 'yan! Sinasabon na ako ng mommy niya 'di ko man lang mabanlawan sarili ko."
Hindi siya sumagot after that. Umismid lang siya tapos kinuha libro niya saka ito binuksan.
"Are you even listening?"
Untad ko saka ko isinara 'yong libro.Nanatili parin siyang tahimik saka ako tinignan ng seryoso sa mata.
"I'm ruined!"
I felt extreme emotions running after my veins nung sinabi niya 'yon.
"What do you mean?"
Tanong ko pero hindi siya sumagot at nag-iwas ng tingin. Feeling ko sasabog 'yong utak ko sa kakaisip kung ano na naman ang hinihimutok ng isang 'to.
"Just to keep you updated, buhay pa si Kim. Baka lang kasi interested kang malaman kondisyon niya. Pwede mo rin siyang bisitahin, kung gusto mo lang naman."
Sarkastiko kong sabi pero hindi parin siya sumagot.
Alam kong sinisisi niya sarili niya sa nangyari kay Kim pero potangina, ang sarap na niyang sakalin minsan, eh!
"Good morning."
Pareho naming napalingon ni Rhen sa may pintuan nang may magsalita and there, we saw Lyn, standing on the entrance with her dazzling new C-haircut.
"Woah! Anong nangyari sayo, Lyn?"
Gulat kong tanong pero inirapan niya lang ako."Aba ewan, Jung. Baka nagpa new look lang."
Mataray niyang sabi saka naglakad papunta sa upuan niya.
"Nandito na maya-maya ang prof namin kaya alis!" Pamumugaw niya kaya napasimangot ako.
"You're so rude! Umikli lang buhok mo tinatarayan mo na agad ako. Parang 'di tayo friends, pwe!"
Inirapan ko na rin lang siya at nagsimula nang maglakad papalabas ng kanilang room.
"Hindi ko talaga kayo papapasukin sa room namin!" Pahabol ko bago tuluyang lumabas.
Ang dadaya talaga ng dalawang 'yon. Sila pa namang dalawa sa room, eh.
Tss! But I just wonder what happened to Rhen?
Aish! Mabuti pa't sabihin ko nalang kay Rica na pumasok na siya. Siya na bahala sa picho-pilotong 'yon nang matikman naman niya ang kamandag ng sapak at tadyak nun.
Kukunin ko na sana 'yong phone ko sa bulsa nang maalala kong nakalimutan ko pala 'yong dalhin. Pupuntahan ko na nga lang siya sa room niya.
***
YOU ARE READING
𝐈 𝐍𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐓𝐡𝐨𝐮𝐠𝐡𝐭
FanfictionWhen Kim found out what's happening between her boyfriend and one of her best friends while she was fighting for her life, she can't help but question her entire belief of what really love is. Is it really a feeling or a principle? WARNING: Story wr...