Chapter 5

553 461 15
                                    

Rica's POV

I tried my best to go the hospital right away when Jungkook called and told me about Kim's accident but the traffic is slowing me down!

That's when I got the chance to overtake ginawa ko na. Halos paliparin ko na nga 'yung kotse ko so it only took me minutes to arrive at the hospital.

Binilisan ko ang lakad ko.

Sana ayos lang si Kim.

My hands were shaking as I handed my Identification card at the hospital's security for an exchange with a visitor's I.D.

"Ric!"

Napalingon ako ng may tumawag sa akin. I saw Lyn running towards me.

"How is she?" Tanong niya.

"I don't know!" I replied as we both entered inside. We started running along the corridor until we spotted Rhen who's aimlessly looking out of nowhere.

Nakaupo lang siya sa sahig kaharap ng ICU. Nakasoot siya ng protective equipment at mukhang kakalabas niya lang galing sa loob at naka mask pa siya.

"Rhen!"

Lyn called but he only shot us an aweful look then shifted his gaze away.

"How is she?"

Tanong ko ng makalapit kami sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Yumuko lang siya saka tinanggal ang suot niyang head cap. Napahilamos nalang siya ng mukha saka kami tignan saglit na tinignan.

Sobrang mugto ng mga mata niya.

"Rhen naman, eh! Sagutin mo naman kami!"

Untad ni Lyn. She's already tearing up.

"Will it help if I'll tell you that she's dying?" Bulong niya.

Lyn gasped as she covered her mouth with both hands in disbelief.

"What do you mean?" I scoffed, "It's not a good joke for Pete's sake! Kung wala kang magandang sasabihin, potangina, manahimik ka!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko and I also end up crying.

She's not dead isn't she? Someone please tell me that she's still alive!

"See for yourselves." Bulong niya nalang saka tinuro ang ICU.

Dahan-dahan kaming lumapit dun. Transparent 'yong glass kaya kitang-kita namin 'yong nasa loob.

I felt my knees weaken when I saw her condition. Ang daming nakakabit na mga apparatus sa katawan niya. Her body is full of cuts. I can't even recognize her with those bruises on her face.

Pareho kaming hindi nakaimik ni Lyn. Only her sobs were the only thing I'm hearing right now until she whispered something which confused me.

"I'm so sorry, Kim! If it wasn't because of me! None of this could ever happen."

***

H

ours passed at andito parin kami sa labas ng ICU. Parehas kaming walang kibo ni Lyn. Rhen is nowhere to be found. Umalis nalang kasi siya bigla ng walang pasabi.

Tita Danica is not around either. Inaasikaso pa kasi niya 'yong kasong isasampa niya sa nakabangga kay Kim.

Nakatakas din kasi 'yong driver na may kasalanan ng lahat ng ito. Tsk! Sana naman makonsensya siyang leche siya!

Nang dumating si tita, umuwi na muna kami ni Lyn. Mag a-anim na oras na rin kasi kaming nakaupo sa labas ng ICU and as much as possible, wala na muna raw'ng papasok at prone si Kim sa infection.

Kakatapos ko lang maligo. Umupo ako sa kama para patuyuin buhok ko gamit ang tuwalyang sing tanda ko lang. Paborito ko 'to, bakit ba?

Natigilan nalang ako bigla nang maaalala ko 'yong binulong ni Lyn kanina. Ano palang nangyari? Bakit naman niya naging kasalanan ang pagka aksidente ni Kim? Isang araw lang akong nawala, andami ng kagaguhang nangyayari, potangina!

***

Lyn's POV

Apat na araw na ang lumipas at sa wakas, nailipat na si Kim sa suite room. Apat na araw naring hindi nagpapakita si Rhen.

Ewan ko lang kung hindi ba talaga siya pumupunta o iniiwasan niya lang talagang magkita kami. Hindi ko rin naman magawang tanungin si Rica ni si tita maski si Jungkook. Ewan ko, nakokonsensya kasi talaga ako!

Umalis na akong ospital nang maipasok na si Kim sa kwarto niya. I really can't stand in there watching her with that situation. My guilt is killing me!

Naglakad na rin lang ako pauwi since wala akong ganang magpasundo ngayon. I want some space to clear up my thoughts.

"It's my fault! I know it's my fault!"
My head turned back by instinct when I heard his voice somewhere.

Ginala ko paningin ko sa kung saan hanggang sa makita ko siyang nakaupo sa labas ng isang Bar.

"Lasing lang kayo, mister! Tsk! Ano ba naman 'yan! Sino ba pwede kong tawagan dito?"

Sabi ng isang babaeng nakatayo sa tabi niya saka kinuha ang phone ni Rhen.

My heart and mind obviously had a battle right now! Whether lapitan ko ba siya or just pretend to be a stranger and forget that I saw him pero nanaig parin ang sigaw ng puso ko kaya lumapit ako sa kanila.

"Miss? Kilala ko siya." I said. The girl smiled at me and sighed in relief.

"Salamat naman at andito ka. Nagwala kasi 'yan sa loob, eh, kaya pinalabas."
She explained as she handed me back the phone.

"So paano? Ikaw na bahala sa kanya, ha?"

She waved me goodbye before entering the bar. Napaismid nalang ako saka ko tinignan si Rhen.

"Rhen?" I said as I put a hand on top of his shoulder but he shrugged it off.

"DON'T TOUCH ME!" I was taken aback when he yelled. "DON'T FUCKING TOUCH ME!"

Alam kong lasing siya pero I took his words personally kaya naiyak ako.

"B-bakit ka ba g-anyan?" Utal kong tanong.

He lifted his head up and looked at me furiously.

"Really, Lyn? You're here?! Of all people, you're the one who's here?! Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang?!"

Napasinghap ako. Lasing na lasing na siya pero sobrang clear ng pagkakasabi niya nun.

Minsan ko lang siyang narinig magtagalog at ang minsan na 'yon ay 'yong panahong ako pa ang mahal niya.

Bigla siyang tumayo at dahil nga lasing siya, muntikan na siyang matumba. Aalalayan ko sana siya nang senyasan niya akong 'wag siyang lapitan.

"Kasalanan mo 'to, eh! If you didn't drag me inside that stupid place, these things wouldn't have happened. She still might be fine! With me! Sana ikaw 'yong nasagasaan! Sana ikaw 'yong nandoon!" He shouted up to the top of his lungs.

My body went numb upon hearing those words. Ewan ko kung saan ako nasaktan. Dun ba sa sinabi niyang kasalanan ko ang lahat ng 'to? O doon sa sinabi niyang sana ako nalang 'yung nasagasaan?

Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. Some are taking photos and even videos.

"And do me a favor!" Napatingala ako para tignan siya. "STOP RUINING MY LIFE!"

A lump formed in throat that I could not speak. Hindi ako nakaimik. Tulala lang ako dun habang pinapanood siyang maglakad papalayo.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko pero hindi man lang ako makaiyak. Nasa ganun akong posisyon nang mamataan ko si Rica na nakatingin kay Rhen habang dahan-dahang nawawala sa paningin namin. Nakatayo siya sa gilid ng sasakyan niyang naka park sa kabilang side ng daan.

Napakagat nalang ako ng labi nang lingunin niya ako. The way she looked at me, alam kong narinig niya lahat ng sinabi ni Rhen.

𝐈 𝐍𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐓𝐡𝐨𝐮𝐠𝐡𝐭Where stories live. Discover now