"NAKU! inaswang yata si Mary.Tingnan niyo kinuha ang kanyang laman loob.Dios mio nakakaawa naman si Mary." Narinig niyang sabi ni aling Doray ang may ari ng karenderya sa tapat ng boarding house nila.
"Oo nga! alam niyo ba tuwing nahating gabi ay kumakahol ang mga aso sa kanto? Malamang tuwing hating gabi sumasalakay ang aswang. At ang hinala ng karamihan dito sa San Bernardo ay ang matandang lalaki na nagbebenta ng scrap.Sa tingin ko rin siya ang aswang." Segunda naman ni ManangTeresa ang numero unong chismosa sa barangay.Kahit hindi pa nito totoong nakita ang nangyari ay may conclusion na agad ito na nabubuo sa isip.
Napailing iling nalang si Ivory at binalingan si Trent na mataman na nag mamasid.Malikot ang mga mata nito na nakakunot ang noo.
Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?
Daig pa ang mata ng Agila kung makapagmasid ng paligid.
"Diba kaibigan mo siya?" Tanong nito sa kanya.
"Oo, malapit na kaibigan." Walang pag alinlangan na sagot niya.
"Wala ba siyang kaaway?"
Nag isip muna siya.Noong isang araw ay nakasagutan nito ang isang office mate nila at kahapon habang nasa comfort room narinig niyang kausap nito ang boyfriend nitong si Jay sa cellphone na sinisigawan ang nasa kabilang linya at pagkatapos ay bigla nalang umiyak si Mary.
"Bago ang pagkamatay niya ay may nangyari--"
Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil biglang may magsalita."Excuse me ho pero hindi kayo pwedi dito. Umatras kayo nang kaunti dahil Padating na ang SOCO." Pagtataboy ng isang police officer sa kanila.
"Sir mayroon na ho ba kayong lead? kaibigan ko ho yung biktima." Pagbibigay alam niya dito.
"I'm SPO2 Darius Fernandez." Pagpapakilala nito sa kanya.
"Ang nakita naming dahilan sa ngayon ay robbery resulting to homicide, but we're not done yet.Maghahanap pa kami ng matibay na ebidensya para matukoy ang pagkaka kilanlan sa suspek."
"Robbery?"
"Yes, nawawala ang kanyang wallet at cellphone."
Sinulyapan niya ulit ang bangkay ni Mary.Kung pagnanakaw ang motibo ng suspek bakit wallet at cellphone lang nito ang kinuha?Si Mary ay maraming borloloy sa katawan at mahilig ito sa alahas na ginto.
"Uhmm...Officer Fernandez ma walang galang na ho,kung pagnanakaw ang motibo ho ng suspek bakit wallet at cellphone lang niya ang kinuha?Tingnan niyo po nariyan parin ang singsing, bracelet at ang hikaw niya.At hindi po ba subrang brutal naman ang ginawa sa kanya kung wallet at cellphone lang ang ninakaw?" Hindi ma pigilang pahayag niya dito.
Bahagyang natigilan si SPO2 Fernandez sa sinabi niya.At ngumiti ito sa kanya.
"Baka makatulong ka, gusto sana kitang imbitahan sa prisento para kunin ang statement mo.Diba sabi mo kaibigan mo siya?"
"Ivory sa tingin ko tumahimik ka nalang kahit ako hindi ako kumbinsido na pagnanakaw ang nangyari kay Mary, baka mapahamak kapa pag nagsalita ka." Bulong ni Trent sa kanya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Trent. "Sige ho Sir payag ho ako.Gusto kong makatulong kay Mary."
"Good, puntahan mo nalang ako sa presinto pag may oras ka." At tinalikuran na siya ni officer Fernandez.
Trent looked at her with disbelief. "Ivory you don't have to do this."
"I have to do this Trent, it's the least I could do for Mary."
Umiling iling si Trent na hindi parin sang ayon sa gusto niya.
"Ikaw ang bahala, pero sasama ako."
"No need Trent, I-"
BINABASA MO ANG
Ivory
Romance-ᴇᴠᴇɴ ɪɴ ᴛʜᴇ ᴍɪᴅꜱᴛ ᴏꜰ ᴅᴀɴɢᴇʀ ʟᴏᴠᴇ ɪꜱ ɪɴᴇᴠɪᴛᴀʙʟᴇ- ʜᴇʀᴇ ᴄᴏᴍᴇꜱ ᴛʀᴏᴜʙʟᴇ.... ɪᴠᴏʀʏ ʀᴏꜱᴀʟ ᴡᴀꜱ ᴄᴀᴜɢʜᴛ ɪɴ ᴅɪꜰꜰɪᴄᴜʟᴛ ꜱɪᴛᴜᴀᴛɪᴏɴ ᴡʜᴇɴ ʜᴇʀ ꜰʀɪᴇɴᴅ ɢᴏᴛ ᴍᴜʀᴅᴇʀᴇᴅ ᴀɴᴅ ᴛʜᴇ ɴᴇxᴛ ᴛʜɪɴɢ ꜱʜᴇ ᴋɴᴇᴡ ꜱʜᴇ'ꜱ ᴛʜᴇ ɴᴇxᴛ ᴛᴀʀɢᴇᴛ ʙʏ ꜱᴏᴍᴇᴏɴᴇ ᴜɴᴋɴᴏᴡɴ ᴘᴇʀꜱᴏɴᴀʟɪᴛʏ. ᴀꜱɪᴅᴇ ꜰʀᴏᴍ ᴛʜᴀᴛ ᴄᴏ...