4. Disguised

106 48 9
                                    

Nagising si Ivory dahil sa liwanag galing sa balkonahe na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya sa kama at dahan dahang lumapit sa balkonahe kung saan naka upo si Trent habang umiinom ng kape. Naka talikod ito sa kanya.

"Now you're awake, buti naman."

Napatigil siya sa paglapit dito nang marinig itong nagsalita.Paano nito narinig ang mga hakbang niya samantalang hindi naman siya gumawa ng ingay palapit dito.

"Uhm..Yeah! Anyway thank you for last night." Na ang ibig niyang sabihin ay ang pagtulong nito sa kanya kagabi.At bahagya siyang lumapit kay Trent.

"Don't mention it. Halika ka dito." At hinapit siya bigla sa beywang at hinila paupo sa kandungan nito.

She gasped. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You can't just touch me kung kailan mo gusto." Sabi niya habang pilit na tumatayo. But her strength was nothing compared to him kaya wala siyang nagawa.

"Si Ivory ba yon? Bakit kasama niya si Trent?Are they living in?"

Pareho silang napabaling sa nagsalita.

Nakita niya si Monet na kausap si Lali.Naka dungaw ang mga ito sa bintana.At dahil nasa third floor at katabi ng kwarto niya ang kwarto ng mga ito ay kitang-kita silang dalawa ni Trent.Tiyak na pag uusapan at ikakalat ng dalawang chismosa ang nakita nila ngayon.

"Akala mo kung sinong santa-santita. Malamang inakit niya si Trent." Segunda naman ni Lali.

Pigil ang galit na nagsalita siya. "No you got the wrong idea. Hindi kam-" Her words was cut off ng magsalita si Trent.

"What's wrong if we're living in? Ivory is my girlfriend. Got problem with that?And both of you better Shut your filthy and huge mouth kung wala kayong matinong sasabihin." May galit sa boses nito at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkabigla at takot sa mga mukha ng mga ito at mabilis na umalis sa bintana.

Buti nga sa kanila.Sabi niya sa isip at napangiti na rin siya. Gusto sanang niyang magalit pero ipinagtanggol siya ni Trent sa mga ito.

"Bakit sinabi mong girlfriend mo ako?"

"Para hindi na sila magsalita ng hindi maganda behind your back.At para tigilan kana ng dalawang yon."

"Iyon ang pagkakaalam nila pero ang totoo hindi.Later on magiging problema natin ang pagsisinungaling mo."

"It won't be a problem kung totohanin natin." At hinigpitan nito lalo ang hawak sa kanyang beywang.

Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang beywang.At bigla siyang tumayo.

"Trent please it's early in the morning wala ako sa mood para sakyan ang joke mo."

Ewan kung guni-guni lang niya pero nakita niyang lumungkot ang mga mata nito.

"Aalis na ako mag-aayos pa ako, kailangan kong maka habol sa terminal ng bus ngayong umaga."

"Bakit saan ka pupunta?" Tanong ni Trent.

"Sa probinsya kina Mary.Libing niya bukas." Pag-bibigay alam niya.

"Sige sasama ako sayo." Mabilis nitong sagot sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito."Ano?Nahihibang kana ba?Bakit ka naman sasama aber?"

"Dahil gusto kung sumama sayo. I can be your baggage handler. Deal?"

Matagal bago siya sumagot.Tinapunan niya ito ng tingin kung nagbibiro ito. Malilintikan talaga ito sa kanya kung ginu good time lang siya nito.At dahil mukhang seryoso ito kaya pumayag siya.

IvoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon