3. Beautiful view

109 51 7
                                    

ISANG malaking plastic bag ang bitbit ni Ivory palabas ng mall.Namili siya ng mga kakailanganing gamit para bukas dahil luluwas siya ng probinsya kina Mary.

Nagpasya siyang lalakarin nalang niya papuntang boarding house niya dahil hindi naman masyadong malayo at para makatipid siya sa pamasahe.

Habang naglalakad sa madilim na eskinita ay panay ang lingon niya.Kinakabahan siya na parang may sumusunod sa kanya.Tiningnan niya ang relong pambisig alas nuebe na ng gabi.Natagalan kasi siya sa pila sa super market kaya ginabi siya.

Nanindig ang mga balahibo niya nang may marinig siyang alolong ng mga aso sa di kalayuan.Kaya naman mas binilisan pa niya ang paglalakad.Tanaw na niya ang kanto kung saan naganap ang pagpatay kay Mary at sa tuwing na aalala niya ang nangyari ay kinakabahan siya pagdumadaan mismo sa lugar na iyon.

"Psst.. Psst.."

Napatigil siya sa paglalakad nang may marinig siya. "Huwag mong pansinin Ivory walang kang narinig." Kumbinsi niya sa sarili at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Psst... Psst.."

"Naku ayan na naman sino ba ang sumisitsit na yan?"

Dahan dahan siyang lumingon pero wala siyang makitang tao.Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at ini on ang flashlight para mas maaninag niyang mabuti ang paligid.

Ganoon nalang ang pagsitayuan ng kanyang mga balahibo nang may marinig siyang mga yabag mula sa kanyang likuran.Nang lingunin niya ito ay kinain siya ng kakaibang takot. Gusto niyang sumigaw pero nanigas ang lalamunan niya dahil walang boses na lumabas.

Sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa flashlight ng kanyang cellphone ay nakita niya ang isang matandang lalaki.Kulubot ang balat nito sa mukha at medyo namumula ang malalim nitong mga mata, mayroon mantsa ng dugo sa iba't ibang parte ng lumang damit nito. At sa kabilang kamay naman nito ay may hawak itong isang plastic garbage bag na tumutulo pa ang sariwang dugo mula sa loob. Napako ang tingin niya sa hawak nito.At ilang segundo bago siya nakapagsalita.

"Huwag kang lalapit sa akin."

Kinakabahang sabi niya.At humakbang siya pa atras.

"Ineng." sambit nang matanda. At humakbang ito palapit sa kanya.

Ngunit hindi niya hinintay na makapagsalita ulit ito. Mabilis siyang kumaripas ng takbo dahil sa takot na nararamdaman at kahit namalayan niyang nabitawan niya ang cellphone niya pero walang siyang pakialam sa halip ay nagpatuloy siya sa pagtakbo.

Ivory was out of breath when she reached the gate of her boarding house.Kinalampag niya ang gate nang hindi ito mabuksan.Sino ba ang walang hiya na nagsara nito? Alas onse pa ang curfew bakit sarado na.

"Please buksan niyo." Hinihingal at namamaos na sabi niya.

"Stop it. Ivory may humahabol ba sayo?"

Bumaling siya sa nagsalita.Agad niyang binitiwan ang dalang plastic bag at patakbong yumakap dito.

Nabigla si Trent nang yakapin siya ni Ivory. Nakita niyang humahangos ito na parang may humahabol dito. Gumanti na rin siya nang yakap dahil nag-aalala siya sa dalaga at kitang-kita niya ang takot sa mukha nito.

"What the fuck happened to you? Shit Ivory your trembling." Hinawakan niya ang mga kamay nitong nanginginig sa takot.

"Tre.. Trent, nakita ko yong aswang.Oh God naiwan ko ang cellphone ko doon sa may kanto. Trent natatakot ako." Sumbong nito habang nakasubsob pa rin ang mukha ng dalaga sa kanyang dibdib.

IvoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon