Somewhere, Hideout
"BOSS bad news ho, wala doon ang hinahanap natin na halughog na namin ang mga kagamitan ng babaeng yon pero wala doon ang hinahanap natin." Pag babalita ng kanyang tauhan.
"Saan kaya dinala ng babaeng yon?" Sigaw niya at ibinato sa pader ang kopitang hawak. Nauubusan na siya ng pasensya.
"Pasensya na talaga Boss. Hayaan niyo hindi kami titigil sa paghahanap."
"Aba! Dapat lang dahil pag hindi niyo nahanap at nakuha ang pinapagawa ko sa inyo ako mismo ang tatapos sa inyo."
"Pero Boss wala talaga kaming mahanap eh, mga litrato lang ang nandoon. Masinop ho ang mga gamit doon at kakaunti lang." Sabi ng kanyang tauhan.
"Anong litrato?"
"Ito ho Boss." At inilapag nito ang isang photo album sa ibabaw ng kanyang mesa.
Kinuha niya ito at tiningnan. Laking gulat niya kung sino ang nasa litrato. Pagkatapos ay napangiti siya. Nakita rin kita muli Ivory Sabi niya sa kanyang isip.At pinagpatuloy niya ang pag buklat at inisa isa ang mga larawan.
"Ano ang kinalaman ng babaeng ito sa kanya?" Turo niya sa larawan ng isang babae.
"Siya ho yong malapi-" Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil nakarinig sila ng putok ng baril.
"Ano yon?" Bigla siyang napatayo.
Maya maya'y pumasok ang isang tauhan niya.
"Boss may lalaki hong nakapasok sa hideout natin. Nahuli siyang kumukuha ng mga pictures sa loob ng bodega pero naka takas ho dahil nakipaglaban sa mga tauhan natin." Pag babalita nito.
"May mga kasama ba?"
"Hindi ho nag iisa lang siya."
"Yon naman pala eh, bakit hindi niyo mahuli?"
"Eh, magaling ho siyang makipaglaban Boss."
"Ano pang hinihintay niyo mga gong gong dalhin lahat ang mga epektos at isakay sa van pagkatapos ay umalis na tayo, dalhin ang mga iyon sa ibang warehouse dahil sigurado akong alagad ng batas ang lalaking yon." Galit niyang sigaw.
Dali dali naman ang mga itong tumalima.
At siya naman ay iniligpit ang photo album na nakapatong sa mesa at kinuha ang baril sa drawer pagkatapos ay mabilis na lumayo sa lugar nayon.
NASA kalagitnaan ng misa ng biglang nag vibrate ang cellphone ni Trent. Nag paalam siya sandali kay Ivory upang sagutin ang tawag at lumabas ng simbahan.
"Dude any updates?" Agad na tanong ni Trent
"Hold on a second." Narinig niyang sabi nito sa kabilang linya. Mukhang may tinawagan ito.
"What the fuck happen to you Slade? Bakit ngayon kalang tumawag." Bulyaw ni Casper.
So I was right sabi ni Trent sa kanyang isip nang marinig ang boses ni Casper sa kabilang linya. Nag conference call si Slade para makapag usap silang tatlo.Nilingon niya si Casper kung nasaan ito at nakita niyang lumabas din ito ng simbahan pero medyo may kalayuan lang sa kanyang pwesto.
"Buti naman at lumabas ka ng simbahan bago ka nag mura." Wika ni Trent.
"Pwedi ba makinig muna kayo.? Awat ni Slade sa kanila.
"So anong balita?" Tanong ni Trent.
"I found their hideout, I secretly entered and gathered some information. And it figured they are the big time redfox syndicate we've been looking for."
BINABASA MO ANG
Ivory
Romance-ᴇᴠᴇɴ ɪɴ ᴛʜᴇ ᴍɪᴅꜱᴛ ᴏꜰ ᴅᴀɴɢᴇʀ ʟᴏᴠᴇ ɪꜱ ɪɴᴇᴠɪᴛᴀʙʟᴇ- ʜᴇʀᴇ ᴄᴏᴍᴇꜱ ᴛʀᴏᴜʙʟᴇ.... ɪᴠᴏʀʏ ʀᴏꜱᴀʟ ᴡᴀꜱ ᴄᴀᴜɢʜᴛ ɪɴ ᴅɪꜰꜰɪᴄᴜʟᴛ ꜱɪᴛᴜᴀᴛɪᴏɴ ᴡʜᴇɴ ʜᴇʀ ꜰʀɪᴇɴᴅ ɢᴏᴛ ᴍᴜʀᴅᴇʀᴇᴅ ᴀɴᴅ ᴛʜᴇ ɴᴇxᴛ ᴛʜɪɴɢ ꜱʜᴇ ᴋɴᴇᴡ ꜱʜᴇ'ꜱ ᴛʜᴇ ɴᴇxᴛ ᴛᴀʀɢᴇᴛ ʙʏ ꜱᴏᴍᴇᴏɴᴇ ᴜɴᴋɴᴏᴡɴ ᴘᴇʀꜱᴏɴᴀʟɪᴛʏ. ᴀꜱɪᴅᴇ ꜰʀᴏᴍ ᴛʜᴀᴛ ᴄᴏ...