Pagkatapos ng pangyayaring iyon sa loob ng silid aklatan, agad na akong nagtungo sa aking kwarto upang makapagpahinga.
Masyadong nakakapagod ang araw na ito.
Pinili ko na lamang matulog at tuluyan na nga akong nilamon ng antok.
----------------------------------------------
Inaasahan kong pupunta si papa sa kwarto para gisingin ako gaya ng nakasanayan.
Pero mukhang nakalimutan ata nito.
Agad akong nagtungo sa banyo para maghanda sa pagpasok ko.
Pagkababa ko, inaasahan kong naroon na si papa at nagkakape.
Ngunit nakahanda lamang doon ang almusal at isang sticky note.
Kumain ka natalia anak. Mamayang gabi pa ang dating ko. May kailangan lang akong asikasuhin.
Nakakapanibago ito dahil hindi naman ganon ka subsob si papa sa pagttrabaho.
Pagkatapos kong kumain, nag paalam na ako kay Nay rosa at umalis na.
Agad sumalubong sakin si kath.
"Lia tara sa cafeteria" sabi ni kath.
"Ang aga pa Lia. Di ka ba kumain sainyo?" Kararating ko palang sa school pero sa cafeteria agad.
"Hindi mo kasi naiintindihan. Tara na!!" bigla nalang akong hinatak ni kath kaya wala na akong nagawa.
Pagkapasok namin sa cafeteria, kitang kita namin kung gaano karaming tao ang nagkukumpulan.
"What's going on? Kaya mo ba ako hinatak dito para makigulo sa kanila?"
"Malamang. Tsaka andun si Dwight!"
"So? pumunta na tayo sa classroom"
"Ang kj mo talaga kahit kailan.
Bago pa man kami makaalis, nakarinig kami ng sumisigaw.
"LAHAT KAYO MAGSITABI"
" Matuto kang pumila"
"Eh ano naman? Hindi mo ba ko nakikilala?"
"Wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay. Get lost."
"Aba mayabang ka ah!!"
Akmang susuntukin na ng lalaki si Dwight pero napigilan niya ang kamao nito gamit lamang ang isang kamay.
Nagsinghapan lahat ng tao sa cafeteria matapos nilang makita ang pagsalag ni Dwight.
Susugod na sana ang mga kasama ng lalaki pero bago pa man sila makalapit ay inikot ni Dwight ang kamay nito papunta sakanyang likuran kaya naman di napigilan ang pagsigaw nito.
"Argh! Tangina masakit bitiwan mo ko!"
"Sa susunod, matuto kang pumila."
Binitiwan ni Dwight ang kamay nito at nagsalita ang lalaki.
"Akala mo siguro malakas ka na? Babalikan kita ulol!"
Lumabas na ng cafeteria ang lalaki at natahimik ang lahat.
"Sobrang angas." bigla nalang nagsalita si kath.
"Anong maangas don? Nagsayang lang tayo ng oras. Tara na" ako naman ngayon ang humatak kay kath papalabas ng cafeteria.
Nang makaupo kami ni kath, kaunti palang ang tao sa room. Siguro'y nandon sila sa cafeteria at nakikiusyoso.
Sinuot ko nalang ang earphones ko at nagpatugtog ng kanta ng The Vamps.
YOU ARE READING
Cronia - The Lost Kingdom
Non-FictionIsang kahariang nawala dahil sa digmaan. Isang prinsesang hindi alam ang kaniyang katauhan. Isang prinsesang magbabalik sa nakaraan. Mapagtatagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon? Na iligtas ang kanilang kaharian?