Sa wakas ay natapos narin ang event. Abala naman ngayon ang lahat sa paglilipit ng mga gamit. Dinala nila jeff at paul ang mga instruments sa clubroom. Naiwan naman kaming apat nina sky, kath, at dwight.
"Lia alam mo ba? May play mamayang 5pm sa auditorium! Panoorin natiiin!!!" Masayang sabi sakin ni kath. Nilingon ko naman siya dahil abala ako sa pag tanggal ng mga banners.
"Anong title ng play ngayon?" 4pm palang kasi. Nagdecide din si paul na magcelebrate kasi succesful ang booth namin. Baka pwede kami ni kath manood mamaya.
"Romeo and juliet!!! " Madalas nang ginaganap ang ganoong play. Siguro hindi nalang ako manonood.
"Wala bang iba? Paulit ulit na yun eh" nagpatuloy nalang ako sa pagtanggal ng banners.
"Pero Lia! Iba naman na ulit yung gaganap kaya exciting! Pleaasseee??" Mag puppy eyes pa si kath saakin. Humindi parin ako nung una. Pero sa kakulitan ni kath, napa oo nalang ako.
Dumating na si paul na mukhang nagmamadali habang hawak ang cellphone niya. Hingal na hingal eh.
"Natnat potek cancel muna natin celebration, nagtext si mama uwi raw ako agad may emergency ata" Agad naman umangal si sky, at si kath naman ay parang lalong ginanahan. Sumunod namang dumating si jeff at nagkrus pa ang braso sa dibdib dahil hiningal sa paghabol kay paul.
"Nubayan! Gusto ko pa naman kumain ngayon!" ang sama na ng tingin ni jeff kay paul.
"Kumain ka sa bahay niyo, dami mong alam. Sige na tutal tapos na lahat, magsi-uwi na kayo, tara na jeff " kumaway muna samin si paul bago niya hilahin si jeff paalis at naiwan kaming apat.
Ay tatlo pala. Nawala na si dwight at mukhang umuwi na ata.
"Eyy tayo nalang mag celebrate gusto niyo? Aga pa naman eh! Date tayo" Sabi ni sky pero sakin lang nakatingin.
"Bakit parang ang kapal ng mukha mo sky? Hindi pwede. May pupuntahan kaming dalawa ni lia. Tabi nga!" tinulak ni kath si sky sa dibdib at napaatras siya. Mabilis naman akong hinila ni kath at dirediretso kami sa parking lot. Pumunta raw muna kami sa fast food chain bago bumalik sa audi para sa play.
NAKABALIK na kami sa school at sa hallway palang ay kita na namin ang mga studyante na nakapila papasok ng audi. Dirediretso kami sa loob at umupo pa sa front seat dahil nireserve raw talaga iyon ni kath.
Nagmamasid lang ako at nagsimula na silang magpakilala. Ganoon parin naman ang kwento at wala silang binago. Habang si kath ay tuwang tuwa sa napapanood niya ay nagpaalam ako para mag cr. Tumayo ako pero nakayuko dahil maaabala ang mga nanonood sa likod. Madilim sa loob ng audi at tanging ang ilaw sa stage ang nakabukas. Mabuti nalang at nakarating ako sa cr. Naghuhugas na ako ng kamay nang may narinig akong kumalabog sa labas sa may hallway.
Pinunasan ko muna ang kamay ko gamit ang panyo ko sa bulsa tsaka dahan dahang sumilip at di ko inaaasahan na makikita kong nakadikit si sky sa pader at hawak hawak ni dwight ang kwelyo nito. Seryosong nakatitig si dwight si sky at siya naman ay nakangisi lang. Magsasalita na sana ako para tanungin kung anong nangyayari nang biglang magsalita sa dwight.
"Alam ko kung anong pakay mo at sino ang pinunta mo rito." titig na titig si dwight kay sky na tila ba napakalaki ng kasalanan nito sakaniya.
Natawa naman ng mahina si sky. "Kukunin ko kung ano ang para saakin" lalong humigpit ang hawak ni dwight kay sky at akmang susuntukin niya na nang natabig ko yung trashcan na nasa paanan ko pala at hindi ko napansin kanina. Nang makita ako ni dwight ay binitawan niya si sky at umalis na parang walang nangyari.
YOU ARE READING
Cronia - The Lost Kingdom
Non-FictionIsang kahariang nawala dahil sa digmaan. Isang prinsesang hindi alam ang kaniyang katauhan. Isang prinsesang magbabalik sa nakaraan. Mapagtatagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon? Na iligtas ang kanilang kaharian?