Chapter 10

4 1 0
                                    

Habang kumakain kami ay mabilis parin ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan sa simpleng salitang iyon na nanggaling kay dwight. Siguro'y napagod lang ako kalalakad kaya naman nagkakaganito ako.

Madalas kasi akong makaramdam ng pagkahingal kahit na kaunti lang naman ang ginawa ko. Kaya naman hindi ako masyadong magaslaw hindi kagaya ni kath na parang hindi mauubusan ng energy kahit anong paglilikot ng katawan niya. Parehas sila ni sky.

Naalala ko nanaman kung paano nalang biglang umalis si dwight at siya pa mismo ang humatak kay kath paalis doon. Mukhang nasikipan siguro siya kaya ganoon nalang siya kabilis umalis.

Nang matapos si sky kachichismis sa katabi niya kanina, bumili siya ng kakainin at kung saan saan muna kami napunta, gaya ng napunta kami sa gym dahil may nagyaya sakanya doon na manood saglit ng game, at kumausap siya ng ibang di ko alam kung sino. Siya itong transferee pero siya pa ang mas maraming kilala kaysa saakin. Nakarating din kami sa garden at doon kumain. Sa sobrang boring ay binilang ni sky kung ilan ang bulaklak sa loob non. Napailing nalang ako sakaniya at nagyaya akong sumilip sa auditorium dahil baka may play na nagaganap. Naghahanda palang sila kaya mukhang mamaya nalang ulit ako babalik dito ng hindi kasama si sky. Masyado siyang agaw pansin dahil kung sino sino ang kumakaway sakanya at siya naman ay sumasagot din.  Kaya naman sa sobrang pagka-op ko ay  napagdesisyunan nalang naming bumalik sa booth.

Sinalubong agad kami ni paul na nakapameywang at nakatingin sa posas naming dalawa. Umismid siya at hinatak kami papasok sa loob.

"Aba naman! Kanina pa kaya kami dito nagkakandarapa dahil dumami yung pumasok sa booth! Tapos dalawa lang kami dito ni jeff! Ano tingin niyo samin breeze? May lakas ng sampung kamay!?" Sigaw ni paul ngayon saamin. Nandito narin sina kath at dwight. Kaya siguro hindi na siya nagulat dahil ganon din pala ang nakita niya sakanila bago sila makapasok dito.

"Ikaw sky!? Kung san san mo hinahatak si Nata! Ano ba tingin mo sakanya syota mo ha?!" Sumbat nanaman si paul. Napasinghap naman ako at tinignan ng masama si paul dahil sa sinabi niya.

"Correction, hindi ko siya syota dahil hindi siya pang short-time lang." Sagot naman si sky sabay kumurba ang nakakalokong ngisi mula sa labi niya at tumingin saakin. Binatukan ko naman siya dahil kung ano-anong kalokohan ang naiisip niya.

"At anong klaseng booth ba nagpakana niyang posas posas na yan? Makapunta nga sa principal's office at nang matanggal yang booth na yan!" Sigaw nanaman ni paul at tumayo. Agad ko naman siyang pinigilan dahil kaya niya talagang gawin iyon ng walang pag aalinlangan.

"Teka lang paul, hayaan mo nalang. Baka kasi bumagsak sila once na matanggal ang booth nila. Hindi kakayanin ng konsensya ko na isa ako sa magiging dahilan ng pagkabagsak nila" hinila ko ang braso ni paul at pinaupo siya.

"Tsk tsk yan mahirap sayo eh yang konsensya mo na yan Nata nakakagigil masyadong kontra pano ba mababawasan yang pagiging maaalalahanin mo sa iba ha"' Hindi ko naman napigilan ang pag ngiti ko dahil alam kong hindi niya na  gagawin iyon.

Napatingin ako kay dwight ng tumikhim siya mula sa sulok katabi si kath. Pabalik balik ang tingin niya saakin at kay paul na para bang nanghihingi ng paliwanag.

Si kath naman ay hindi magawang ngumiti. Siguro ay dahil hindi pumayag si dwight sa 'date' kuno na gusto niya tutal nakaposas parin sila.

Magsasalita pa sana ako pero hindi natuloy dahil pumasok si jeff sa booth sabay hagis ng susi kay paul. Siguro iyon yong susi sa posas namin.

"Hay salamat! Ayan makakatulong din kayo sa wakas! Jebs na jebs na ko kanina umatras. Naiinis kasi ako sainyo!" Sabi naman ni jeff saamin.

Hindi na namin mapigilang tumawa habang si dwight naman ay nagmamasid lang saamin. Teka ano naman ngayon kung nagmamasid lang siya?!

Cronia - The Lost KingdomWhere stories live. Discover now