Cronia
The lost kingdomIsang kaharian na pinamumunuan ng Haring nagngangalang Dimetrio Castilio at Reynang si Cristina Castilio.
Kasama ang kanilang pinagkakatiwalaang kanang kamay na si Frio Puerto.
Dalawa ang Hari at Reynang namumuno sa Kaharian ng Cronia, ngunit ng nagdalang tao ang Reyna, ang Hari nalamang ang namuno dito.
Naging matiwasay at masaya ang kaharian ng Cronia.
Hanggang sa dumating ang panahong isinilang na ang Prinsesa.
Pinangalanan nila itong Prinsesa Sivienna Crizette Castilio.
Kumalat ang balitang isinilang na ang kanilang prinsesa.
Umabot ito sa iba't ibang kaharian.
Nakatanggap sila ng mga pagbati at maging mga alay.
Sa kabilang dako, sa isang kahariang nagngangalang Divnia, naunang isilang ang prinsipe ng Haring si Hermulo Freco at ng kaniyang Reynang si Alejandra Freco.
Pinangalanan nila itong Prinsipe Dwivos Ghtor Freco.
Nagkasundo ang matalik na magkaibigang sina Dimetrio at Hermulo na ang kanilang dalawang anak ang magsasama pagtungtong sa kanilang tamang edad. Na ika labing-walong taong gulang.
Marami man ang naging masaya sa pasiya at sa pagkasilang ng prinsesa, may iisang Hari ang hindi nagalak dito.
Si Haring Felipe ng kahariang Crosetta.
Mayroon din itong nagiisang anak na si Prinsipe Sepio Kyori Galleho.
Sa kasamaang palad ay namayapa na ang Reyna ng kaharian matapos maipanganak ang Prinsipe.
Isa ring kaibigan nina Haring Dimetrio at Hermulo ang Hari ng Crosetta.
Hindi nito matanggap na hindi sa kaniyang prinsipe itatadhana ang prinsesa ng Cronia.
Nais nitong magsanib pwersa ang kanilang kaharian upang tumaas ang porsyento ng kaniyang pagkakakilanlan.
Nagalit ito at pumunta sa palasyo ng Cronia upang kausapin ang Hari na itigil ang plano.
Ngunit kahit na kaibigan niya ito, nakapagbitiw na ng salita ang hari at hindi niya na ito maaaring bawiin pa.
Naghiganti si Haring Felipe at sinugod ang Kaharian ng Cronia ng batalyon ng mga sundalo.
Winasak nila ang lahat ng kanilang nadaanan. Sinira ang mga kabahayan, hiniwalay ang mga kababaihan at pinatay ang kalalakihan.
Hanggang sa makaabot na sila sa palasyo ng Cronia.
Naiwan ang Hari na nakatayo at handang lumaban sakanila.
Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil nagawa nilang pasabugin ang buong palasyo.
Nang matapos ang digmaan, kinilatis nila isa isa ang mga bangkay na naroroon.
Dalawang bangkay ang nawawala.
Ang bangkay ng Kanang kamay at ang bangkay ng PRINSESA.
Nang kukunin na ni Haring Felipe ang Korona mula sa ulo ng bangkay ng hari, laking gulat ng lahat nang biglang naglaho ang buong palasyo.
Hindi sila makapaniwala kaya't sa takot ay nag alisan ang lahat.
Hindi nila alam na nababalot pala ng mahika ang palasyong iyon.
YOU ARE READING
Cronia - The Lost Kingdom
Literatura FaktuIsang kahariang nawala dahil sa digmaan. Isang prinsesang hindi alam ang kaniyang katauhan. Isang prinsesang magbabalik sa nakaraan. Mapagtatagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon? Na iligtas ang kanilang kaharian?