Cronia
The lost kingdom
Nang mabasa ko ang salitang Cronia ay agad na may nga imahe akong nakita kung saan may isang napakalaking palasyo.
May mga taong nagsasayawan sa paligid, mga batang nagtatakbuhan, mga pamilihan, mga sundalo na nakikisabay sa saya ng mamamayan.
At ang nakaagaw ng aking pansin ay ang isang ina na buhat buhat ang kanyang anak.
Muli kong naalala ang eksena sa hardin na nasa palasyo.
Malabo man ang mukha ng ina at ng bata, kita kong iisa lang sila ng nasa hardin na nakita ko.
Ngunit mula sa sanggol ay naging bata na ito.
Sa tabi ng mag ina ay may isang lalaking nakatindig at taimtim na pinagmamasdan ang mag ina.
Muling nawala ang nga imahe at eksena sa aking isipan nang marinig ko ang mga katok.
"Natalia, gising na anak. Kanina ka pa sa loob ng kwarto mo. Hapunan na"
Nag aalalang sambit ni papa.
Tinignan ko ang aking sarili at napansing nasa higaan ako.
Nanaginip lang pala ako. Akala ko'y totoong nasa loob na ako ng library namin.
Naalala kong kanina pag kauwi galing sa klase ay dumiretso ako dito sa kwarto ko.
Malaking palaisipan parin para saakin ang mga eksenang iyon na tila ba mga alaala.
Bumaba ako at nakita ko sila papa at nay rosa na naghahanda na.
Nang matapos kami sa pagkain ay dumiretso kami sa sala.
"Natalia anak, may gusto ka bang bilhin bukas? Kaarawan mo na hindi ba?"
Akala ko'y makakalimutan ni papa. Bukas ay sasapit na ako sa aking ika labing-pitong taon.
"Wala naman po akong gustong bilhin"
"Wala? Kahit anong materyal na bagay? O di kaya namay gusto mo bang umalis tayo bukas?" Tanong ni papa saakin.
"Okay na po ako dito sa bahay. Isa lang naman po ang matagal ko nang gusto"
"Ano iyon?"
"Ang makapasok po sa library papa" halos pabulong ko nang sambit.
"Pasyensiya na. Hindi ka makakapasok dahil nawala ko ang susi. Hanggang ngayon ay hinahanap ko parin." Agad na sagot ni papa.
Mukhang hindi na ako mag kakaroon ng tyansa na makapasok doon kahit kailan.
"Liaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"
Rinig kong sigaw ni kath mula sa di kalayuan.
Rinig na rinig ang boses niya mula sa gate ng aming school at nangingibabaw iyon.
"Anong meron kath?" Mahinahong tanong ko.
"Si Dwight!! Hinahanap kaaaaaaa!!!!!! AAAAAAAAAAAAA!!!!"
YOU ARE READING
Cronia - The Lost Kingdom
Não FicçãoIsang kahariang nawala dahil sa digmaan. Isang prinsesang hindi alam ang kaniyang katauhan. Isang prinsesang magbabalik sa nakaraan. Mapagtatagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon? Na iligtas ang kanilang kaharian?