Chapter 1

40 4 2
                                    

Isang lugar kung saan may mga taong namumuhay ng payapa. Mga taong ordinaryo at may ngiti sa mukha. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat. Mula sa pagiging masaya, napuno ng takot ang kanilang mga mukha. Mga pagsabog na maririnig. Mga iyak ng mga bata. Mga magulang na nanghihingi ng awa para sa buhay na ninanais nila.

"Mahal na hari, hindi na matigil ang digmaan. Patuloy parin ang pag sugod ng mga kalaban. Marami na pong napaslang mahal na hari. Kailangan nyo na pong lisanin ang kaharian"

"Hindi ko maaaring iwanan ang aking kaharian! Kailangan nating lumaban! Ang lahat ng may buhay ay papaskin sa palasyo! Isarado ang pintuan at ihanda nyo ang mga sarili niyo!"

Patuloy ang pag kilos ng mga sundalo sa kaharian. Mga nagtatakbuhang kalaban na handang sumugod at pumatay.

"Mahal na hari! Nakapasok po ang ilan sa mga kalaban! Marapat nyo na pong lisanin ang palasyo!" Sigaw ng isang tagabantay mula sa tuktok ng palasyo.

"Cristina aking reyna, nais kong lumisan ka kasama ang mga taong buhay pa. Hindi ko maaaring lisanin ang aking kastilyo dahil ako ang hari at po-protektahan ko ito. Isama mo ang aking prinsesa. Ilayo mo siya rito pakiusap."

Bakas sa mukha ng reyna ang pag dadalawang isip. Nais niyang umalis at iligtas ang mga tao sa kanilang kaharian kabilang na ang kanilang nag iisang prinsesa ngunit hindi nito magawang iwan ang kanyang mahal na hari.

"Dimetrio, hindi kita kayang iwan mag isa rito. Hayaan mong samahan kita hanggang sa aking huling hininga"

Muling nagkaroon ng pagsabog sa pintuan ng kaharian. Unti unti na nilang nakikita na namamatay ang kanilang mga sundalo mula sa di kalayuan.

Pinatawag ng Hari ang kaniyang kanang kamay na si Frio at sinabing dalhin ang lahat ng mga mamamayan aa ligtas na lugar kung saan malayo sa kanilang kaharian. Ayaw man ng Hari at Reyna ngunit isa rito ang kanilang pinakamamahal na Prinsesa.

"Mahal kong Prinsesa, maaaring ito na ang huli nating pagkikita. Ngunit darating ang takdang panahon at muli kang magbabalik upang bawiin ang ating kaharian. Babalik ka at muli ka naming makakasama. Tanggapin mo itong porselas, bilang tanda ng aming pag mamahal. Ito rin ang magiging daan upang magbalik ka sa nakaraan. Maglalakbay ka sa panahong wala sayong nakakakilala. Babalik ka. Mahal naming Prinsesa." Huling salitang binanggit ng reyna bago tuluyan ng lumisan si Frio kasama ang mga mamamayan.

"Isang karangalan para saakin mahal na Reyna."




--------------------------------------------

Napabalikwas ako mula sa aking hinihigaan ng muli ko nanamang mapanaginipan ang isang eksena na kung saan may reyna at hari, palasyo, digmaan, mga mamamayang napinsala, at ang prinsesa.

"Natalia? Gising ka na ba anak?" Tanong ng aking ama na ngayon ay nasa likod ng aking pinto.

"Opo."

Marahan lamang ang pagbukas ng pinto at nakita ko ang mukha ng aking ama na nakangiti at mukhang maganda ang umaga.

"Halina't mag umagahan na tayo."

"Pa, may mga na k-kwento po ba kayo sakin dati tungkol aa mga Hari? Reyna? At, Prinsesa?" Tanong ko habang kumakain.

Agad namang napalingon si papa at bakas sa mukha nya ang kaba.

"H-hari? Reyna? P-prinsesa?" Pansin kong hindi mapakali si papa.

"Opo."

"Wala akong maalalang kwento anak. Baka ang mama mo noon ang nag k-kwento sayo nung nabubuhay pa siya."

Cronia - The Lost KingdomWhere stories live. Discover now