"Pasok kayo! Sige pasok lang po!"
Abala na ang lahat dahil nagpapasok na ng mga bisitang pupunta sa ibat ibang booths.
Pwede rin namang kaming mga taga Fabillar high ang pumasok sa mga booths.
"Sige lang pasok lang!"
Patuloy parin si sky sa pagsigaw at talaga namang nakakaakit siya ng mga tao na pumasok sa booth namin.
Si paul at jeff, andun sa entrance nagbabantay. Si Sky at kath, nanghahatak naman ng mga tao. Si dwight naman, nandun at kinukuyog ng mga babae na hindi galing sa school namin. Samantalang ako, nandito at nag aassist ng mga gumagamit ng mga instruments.
"Maaari bang humingi ng tulong binibini?"
Akala ko wala nang makakapantay pa sa kakisigan ni Dwight. Pero hindi. Itong lalaking to ang patunay.
At yung mata niya. Parang kakaiba? Moreno ito at may napakagandang ngiti. Mas matangkad talaga ito sa akin. Na kailangan ko pang tumingala. Mukhang hindi taga FH ang isang to. Sa tingin ko mga nasa edad 20-25 lang ang isang to.
"Nais ko sanang makita ang lahat ng mga instrumento. Maaari mo bang ipakita saakin?" Nginitian ako nito. Pero imbis na matuwa, tila kinilabutan pa ako sa ngiti niyang iyon. Sumabay pa ang malalim na pagsasalita nito.
"D-dito po tayo" ipinakita ko sakanya ang lahat ng instrumentong nandito. Hindi ko na masyado pang inexplain sakanya dahil nanlalamig ang buong katawan ko habang kasama ko siya.
"Totoo ngang napakaganda mo sa malapitan" dahil doon, napalingon ako sakanya. Nagulat ako ng makitang nakatingin ito saakin at nakangisi. Pero nawala ang kaba ko ng muli itong tumingin sa gitara.
"Maganda rin ho iyang tugtugin." Suggest ko sabay hawi ng buhok ko dahil humaharang ito sa mukha ko.
"Hindi ko naman nais na tugtugin iyan binibini." Bumaling siya saakin sabay ngiti. Nagulat ako ng dahan dahan itong lumapit saakin. Wala naman akong nagawa kundi ang umatras. I guess i made a wrong move. Dahil na corner ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil talagang wala na akong kawala. Napasinghap ako ng nilapit niya saakin ang mukha niya. Akmang hahawakan na niya ang buhok ko ng bumukas ang pinto.
Iniluwa non si Dwight at mabilis itong humakbang palapit saamin na nakayukom ang kamay na tila walang reaksyon sa mukha at hinawakan niya sa balikat ang lalaking nasa harapan ko. Sa wakas ay bumitaw saakin ang lalaki.
Sa gulat ay hindi parin ako nakaalis sa pwesto ko. Muntik ng matumba ang lalaki dahil sa paghatak na ginawa ni dwight sakanya papalayo saakin.
"Woah woah dude chill" humalakhak ng malakas ang lalaki.
"Get out" walang emosyong sabi ni dwight dito. Tila hindi natinag ang lalaki at ngumisi pa ito ng nakakaloko.
"I was just joking. Hindi ko naman inaasahan na seseryosohin niya" tumawa siya ulit pero ngayon, mas mahina na at tila inaasar ako.
Agad nangunot ang noo ko. Ang nararamdaman kong lamig sakanya kanina ay napalitan ng inis. Magsasalita na sana ako pero agad na bumaling saakin si dwight.
"Let's go" hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako. Napaismid pa ako sa ginawa niya pero wala lang iyon sakanya.
Nanatili namang nakatayo ang lalaki at pinasadahan ako ng tingin. Nginitian niya ako at kumaway pero unti-unti itong napalitan ng ngisi.
Walang nagsasalita saming dalawa ni dwight habang tangay tangay niya ako kung saan. Inupo niya ako sa isa sa mga benches dito sa gym.
Nanatili siyang nakatayo at nakapamulsa. Samantalang palinga linga naman ako sa paligid para mawala ang pagkailang ko.
YOU ARE READING
Cronia - The Lost Kingdom
Non-FictionIsang kahariang nawala dahil sa digmaan. Isang prinsesang hindi alam ang kaniyang katauhan. Isang prinsesang magbabalik sa nakaraan. Mapagtatagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon? Na iligtas ang kanilang kaharian?