Nilapitan ko ito at talagang ito nga iyon.
Ito yung libro na nakita ko sa aking panaginip.
Parehong pareho ng disenyo sa pagkakatanda ko.
Pinunasan ko ito gamit ang aking kamay.
Puno ito ng makapal na alikabok.
At nang mapunasan ay mas lalong lumitaw ang kagandahan nito.
Nakapagtataka lang dahil malaki itong libro pero napakagaan naman.
Inaasahan ko na ang makikita ko sa pagbuklat ng librong ito.
Cronia
The lost kingdomIsang kaharian na pinamumunuan ng Haring nagngangalang Dimetrio Castilio at Reynang si Cristina Castilio.
Kasama ang kanilang pinagkakatiwalaang kanang kamay na si Frio Puerto.
Dalawa ang Hari at Reynang namumuno sa Kaharian ng Cronia, ngunit nang nagdalang tao ang Reyna, ang Hari nalamang ang namuno rito.
Naging matiwasay at masaya ang kaharian ng Cronia.
Hanggang sa dumating ang panahong isinilang na ang Prinsesa.
Pinangalanan nila itong Prinsesa Sivienna Crizette Castilio.
Kumalat ang balitang isinilang na ang kanilang prinsesa.
Umabot ito sa iba't ibang kaharian.
Nakatanggap sila ng mga pagbati at maging mga alay.
Sa kabilang dako, sa isang kahariang nagngangalang Divnia, naunang isinilang ang prinsipe ng Haring si Hermulo Freco at ng kaniyang Reynang si Alejandra Freco.
Pinangalanan nila itong Prinsipe Dwivos Ghtor Freco.
Nagkasundo ang matalik na magkaibigang sina Dimetrio at Hermulo na ang kanilang dalawang anak ang magsasama pagtungtong sa kanilang tamang edad. Na ika labing-walong taong gulang.
Marami man ang naging masaya sa pasiya at sa pagkasilang ng prinsesa, may iisang Hari ang hindi nagalak dito.
Si Haring Felipe ng kahariang Crosetta.
Mayroon din itong nagiisang anak na si Prinsipe Sepio Kyori Galleho.
Sa kasamaang palad ay namayapa na ang Reyna ng kaharian matapos maipanganak ang Prinsipe.
Isa ring kaibigan nina Haring Dimetrio at Hermulo ang Hari ng Crosetta.
Hindi nito matanggap na hindi sa kaniyang prinsipe itatadhana ang prinsesa ng Cronia.
Nais nitong magsanib pwersa ang kanilang kaharian upang tumaas ang porsyento ng kaniyang pagkakakilanlan.
Nagalit ito at pumunta sa palasyo ng Cronia upang kausapin ang Hari na itigil ang plano.
Ngunit kahit na kaibigan niya ito, nakapagbitiw na ng salita ang hari at hindi niya na ito maaaring bawiin pa.
Naghiganti si Haring Felipe at sinugod ang Kaharian ng Cronia ng batalyon ng mga sundalo.
Winasak nila ang lahat ng kanilang nadaanan. Sinira ang mga kabahayan, hiniwalay ang mga kababaihan at pinatay ang kalalakihan.
Hanggang sa makaabot na sila sa palasyo ng Cronia.
Naiwan ang Hari na nakatayo at handang lumaban sakanila.
Ngunit hindi rin ito nagtagal dahil nagawa nilang pasabugin ang buong palasyo.
Nang matapos ang digmaan, kinilatis nila isa isa ang mga bangkay na naroroon.
Dalawang bangkay ang nawawala.
Ang bangkay ng Kanang kamay at ang bangkay ng PRINSESA.
Nang kukunin na ni Haring Felipe ang Korona mula sa ulo ng bangkay ng hari, laking gulat ng lahat nang biglang naglaho ang buong palasyo.
Hindi sila makapaniwala kaya't sa takot ay nag alisan ang lahat.
Hindi nila alam na nababalot pala ng mahika ang palasyong iyon.
Kumalat ang balita hanggang sa nakaabot ito sa pinakamatalik na kaibigan ng Hari na si Hermulo.
Nais ipaghiganti ni Hermulo ang pagkamatay ng Hari at Reyna ngunit masyadong malakas ang kaharian ng Crosetta kaya't sa huli ay sila ang nagiging talunan.
Itinigil nila ang pakikipagdigma lalo na't ayaw nilang madamay ang mga mamamayan sa kanilang kaharian.
Nag umpisa kaagad silang maghanap sa Prinsesa dahil sa nawawala ito.
Iniisip ni Haring Hermulo na may mabuting taong nakakuha sa Prinsesa.
Naisip niya ring maaaring si Frio ang may gawa nito. Lalo na't nawala rin bigla si Frio na parang bula.
Alam ni Haring Hermulo na mahal na mahal ng Hari at Reyna ang prinsesa kaya't hindi nila ito pababayaan.
Kasabay ng pagkawala ng palasyo ay ang pagkawala ng prinsesa.
Nasaan ka na nga ba? Prinsesa Sivienna?
Malakas akong napabuntong hininga.
Marami paring mga katanungan ang gumugulo sakin.
Paano nagkaroon ng isa pang silid na may nag iisang libro??
At bakit nakatago itong libro?
Bakit pakiramdam ko may koneksyon ako dito?
Punong puno ako ng nga katanungan na pakiramdam ko'y walang makakasagot.
"Natalia??? Natalia anak nasaan ka??"
Agad akong napabalik sa wisyo ng marinig ko ang boses ni papa.
Dali dali kong ibinalik ang libro at lumabas sa silid na iyon.
Agad kong hinarang ang isang shelf sa tagong silid.
Lumabas agad ako ng library at nakitang naghihintay doon si papa.
"Nagustuhan mo ba ang mga libro sa loob natalia?"
"Opo. Nagustuhan ko po." Kahit na gulong gulo ang isip ko ngayon papa.
------------------------------------------------
di ko sinasabeng maiksi pero parang ganon na nga
YOU ARE READING
Cronia - The Lost Kingdom
No FicciónIsang kahariang nawala dahil sa digmaan. Isang prinsesang hindi alam ang kaniyang katauhan. Isang prinsesang magbabalik sa nakaraan. Mapagtatagumpayan kaya niya ang kaniyang misyon? Na iligtas ang kanilang kaharian?