FLASHBACK (2 Years Ago)
Hapon ng November 11, 2015. Nakaupo ako sa kama ko nang may biglang kumatok.
"Sino yan??" Tanong ko
"Ma'am Diana may bisita po kayo." Di ko sigurado kung sino sa mga yaya namin yun.
"Sino daw po?" Tanong ko naman kay Yaya.
"Si Sir Rade po Ma'am." Nabuhayan ako nung narinig ko iyon. Bumaba ako agad ypang makita si Rade.
Pagkababa ko, nakita ko agad ang napakagwapong mukha ni Rade. Ang lalaking pinakamamahal ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Pero di naman niya ako niyakap pabalik.
"Diana ano ba?!" Napapitlag ako ng bigla niyang alisin ang kamay ko na nakapulupot sa mga braso niya. Hindi niya rin ako tinawag sa tawagan namin.
" Rade, anong problema mo? Okay naman tayo kagabi diba? Di naman tayo nag-away, eh bakit ka ganyan?" Sabi ko sa kanya. Wala naman akong natatandaan na nag-away kami ah. Okay naman kami kagabi.
" Diana, ayoko na..." Halos gumuho ang mundo ko sa sinabi niyang yun. Hindi ako makapaniwala. Kinurot ko ang kamay ko sa paniniwala kong baka panaginip lang ito. Pero walang nangyari.
" Haha! Joke lang iyan diba? Ikaw talaga ang hilig mo mag-joke." Pinilit kong pasayahin ang boses ko kahit sa loob loob ko ay nasasaktan na ako.
"Diana, hindi! Hindi ako nagloloko. Pinaglaruan lang kita. Si Kate talaga ang mahal ko, hindi ikaw." Sagot niya naman sa akin ng hindi tumitingin sa aking mga mata. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Si Kate? Yung babaeng haliparot na iyon? Ang pinakamatindi namin kalaban sa negosyo?? Pano nangyari iyon??
" Akala ko ba mahal mo ako? Diba ako yung mahal mo, yun yung sinabi mo eh." Napahagulgol na ako ng iyak. Hindi ako makapaniwala. Napaka-sweet niya sa akin. Sobra-sobra. Kaya di ako makapaniwala.
" Diana, niloko lang kita at pinaglaruan. Hindi talaga kita mahal. Ginawa ko lang yun para makahuthot ako ng pera sayo dahil mayaman ka at mahirap ako. Hindi kita minahal. Lahat ng kasweetan pagpapanggap lang iyon." Hindi, hindi pwede. Sa loob ng tatlong taon, minahal ko siya, pinaglaban at inalagaan, tapos ngayon ganito?
"Rade, minahal kita. Minahal kita ng sobra. Ginawa ko ang lahat para maging masaya ka. Pinaglaban kita kayna Mama noon dahil ayaw nila sayo. Ngayong natanggap ka na nila pero anong ginawa mo? Ano bang meron? Sabihin mo naman please. Ayusin natin toh. Rade, di ko kayang mabuhay ng wala ka please." Pagmamakaawa ko sa kanya pero di parin siya tumitingin sa akin.
" Sorry Diana, pero iyon ang totoo. Napagod na akong magpanggap kaya hiniwalayan na kita. Sorry, pero hanggang dito nalang tayo." Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko ng sabihin niya yun. Umiyak ako ng sobra-sobra. Hindi ko kayang lumayo sa kanya, siya na ang naging buhay ko, siya ang lahat ko. Hanggang dito nalang ba talaga tayo???
---------------------------------------------------------
Ano ang nangyari pagkatapos nilang maghiwalay?? Abangan...

YOU ARE READING
Hanngang Dito Nalang Ba?
Teen FictionKapag natapos na ba ang relasyon niyo sa isang hindi mo malamang dahilan ay tapos na talaga ito?? O baka naman nandiyan parin sa sa puso mo?? Kahit iba ang nakikita at naaalala mo, baka naman siya parin ang laman ng puso at isip mo. Baka naman may p...