Bumabalik

8 0 0
                                    

Tumatakbong oras
Luhang lumalandas
Magulong buhok
Ang puso'y tinutusok
Alas dose ng gabi ngunit 'di pa humihilik
Matagal na rin, bakit hindi ka pa, bumabalik?

Sampung patay na segundo
Walang buhay ang bawat minuto
Ikaw ay patuloy na hinihintay
'Pagkat ikaw sa akin ang bumubuhay
Hinahanap pati iyong halik
Nagtatanong, nagtataka, bakit hindi ka pa bumabalik

Bumuhos ang ala-ala
Ayan na naman ang mga luha
Hindi na yata ako madadala
Sa paulit-ulit mong pambabalewala
Kahit masaktan ng ilang ulit
Hihintayin ka pa din sa pagbabalik

Itinatago ko ang sakit
Sa lahat ng lumalapit
Iniiwas ko ang mata
Sa lahat ng nakakakita
Ayokong malaman ng iba
Na ang mahal mo'y hindi na
Ako

Alam kong wala na, alam kong hindi na
Alam kong ubos na, alam kong ayaw mo na
Pero kahit na ayaw mo na pero gusto ko pang sulitin
Oh gusto mo na pero ayaw ko pang tapusin
Wala naman kang magagawa
Alam kong balang araw makukuha ulit kita
Kahit alam kong ang bumabalik na lang ay tanging ala-ala

PLEASE VOTE AND COMMENT AFTER YOU READ. VOTES CAN MOTIVATE ME IN WRITING BETTER STORIES AND POEMS. THANK YOU SO MUCH!

PARA SA BROKENHEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon