Sa ilalim ng mga bituwing makinang
Dito sa dati nating tagpuan
Eto yung lugar kung saan mo unang binitawan ang mga katagang 'mahal kita'
Tapos... Dito mo din sinabi na 'sorry pero wala na talaga'
Ngayon narito ako, nagtatanong kung ako ba'y bibitaw naPaano ko nga ba malilimutan kung paano mo ko hinawakan
Sa aking mga kamay habang sinasabing hinding hindi moko bibitawan
Lahat aking pinaniwalaan
Gayong alam kong lilipas ang gabi, at kailangan mo ring lumisan
Kailangan mo din akong iwananPaano ko din ba kalilimutan kung gaano kalambing ang boses
Na namutawi sa iyong labi, paulit-ulit, hindi ko mabilang kung ilang beses
Kung ilang beses mong sinabing mahal mo ako
Gayong alam ko na kung anong nagbago
Kung ano na talaga tayoPaano ko malilimutan kung gaano kahigpit
Ang yakap mo ngunit wala itong init
Sa tuwing nararamdaman ko ang panlalamig mo
Niyayakap kita ng buong puso
Kahit na... Alam kong matagal ka nang sumukoPaano ko maalis sa isip ang mga titig mong sadyang nakakatunaw
Nahuhulog pa din ako sa tuwing dudungaw
Ang mga mata mo sa mga mata ko ngunit
Alam kong wala ng pagtingin sa iyong mga tingin
Dahil wala ka nang pag-ibig para sa akinHindi ko alam kung saan ko sisimulan
Saan ko sisimulan ang pagtapos saking nararamdaman?
Wala bang madaling paraan
Para naman ikaw ay tuluyan kong makalimutan
O kailangan na ba talaga? Parang ayoko pa.Ayokong sumuko sa pagmamahalang ating binuo
Ayokong kalimutan ang mga ala-ala mo
Ayokong ikaw ay kumawala sa bisig ko
Ayokong ikaw mawala na lang bigla sa piling ko
Ayoko pa, ayoko.Pero parang kailangan na
Kung talagang bibitaw ka na,
Maari bang, ituro mo kung paano mo yun nagawa
Para naman sa huli ay sabay pa rin tayong dalawa
Sabay nating bibitawan ang isa't-isa
Gaya nang sabay nating binuo itong pagmamahalang nawawala na.PLEASE VOTE AND COMMENT AFTER YOU READ. VOTES CAN MOTIVATE ME IN WRITING BETTER STORIES AND POEMS. THANK YOU SO MUCH!
BINABASA MO ANG
PARA SA BROKENHEARTED
PoetryISANG KOLEKSYON NG MGA MADAMDAMING TULA PARA SA BROKENHEARTED.