Pilit kong inalala
Kung paano tayo nagsimula
Hinahanap ko sa mga sulok ng aking utak
Ang mga alaala ng kilig at galak
Na ibinigay mo noon
Natawa ako
Bakit kaya hindi ko matandaan ang lahat ng una
Unang ngiti, unang yakap, unang halik
Pero tandang-tanda ko yung dulo
Yung wakas
Parang isang malaking biro
Parang biglang naging kalokohan
Ang pagmamahalang matagal nating pinaglaban
Nawala yung saysay ng suyuan at tampuhan
Na paulit-ulit nating hindi pinagsawaan
Nakakatawa na kung paano mo binigyan ng kwenta
Ang patapon kong buhay
Ganon mo din binawi yung binigay mong saysay
Hiram lang pala
Akala ko panghabang buhay na
Oo na, hindi totoo na nakalimutan ko ang simula
Kasi natatandaan ko lahat ng detalye
Lahat ng "iloveyou", "imissyou", at "forever and always"
Lahat ng "ihateyou", "sorry" at "please stay" nating dalawa
Lahat ng oras na kahit kailan
Hindi ko sasabihing nasayang
Malinaw sa aking alaala
Sadyang hindi ko lang gustong maalala
Kasi alam kong hindi ko kayang sabihin sayo
Na hindi na kita mahal
Kung iisipin ko kung paano moko napasaya
Kaya pinilit kong palitan ng sakit ng pagtatapos natin
Ang tamis ng pag-iibigan nating dalawa noon
Upang diretso at walang pag-aalinlangan kong masabi sayo
Na hindi na kita mahal kahit walang katotohanan yon
Gusto ko lang kasi
Na palayain ka
Sa nakakasawa kong ugali
Sa walang kwenta kong mga katwiran
Sa mga bagay na hindi mo dapat nararanasan
At sa nakakasakal kong pagmamahal
Kaya pasensya na mahal
Kase hindi na kita mahal
BINABASA MO ANG
PARA SA BROKENHEARTED
PoetryISANG KOLEKSYON NG MGA MADAMDAMING TULA PARA SA BROKENHEARTED.