Alas Tres

4 0 0
                                    



Gumawa ako ng tula
Hindi ko alam kung para sa akin o para sa'yo ba
Basta ang alam ko lang
Gusing pa ako ng alas tres ng madaling araw
Patuloy na nag-iisip
Patuloy na nananaginip

Tumunog ang aking telepono
Alam mo ba? Ikaw agad ang naisip ko
Bakit ba umaasa pa rin ako
Na isang araw maaalala mo ako
Na isang araw maiisip mo
Na biglang mahal mo na pala ako
Na biglang bumalik nako sa puso mo

Kasi ang hirap isipin kung paano
Paano bigla na lang naglaho
Yung pag-ibig mo na sabi mo hanggang dulo
Bakit nandito tayo sa hangganan ng pagmamahal mo?
Bakit nandito tayo sa dulo?
Anong nangyari sa pangakong binitawan mo?
Lahat na lang ba mapapako?

Gusto ko lang ipaalala sayo
Ikaw yung lumapit
Ikaw yung nagsabing gusto mo ako
Ikaw yung nagpumilit, Ikaw yung nangulit
Ikaw yung nagtanong at nanggulo
Pero bakit ganon?
Ako pa din yung nasaktan?

Siguro tama nga ako
Hindi dapat ako naniwala sa sinabi mo
Dahil hindi mo alam ang salitang totoo
Hindi ka tapat sa mga sinasabi mo
Kaya Hindi dapat ako nagtiwala sayo
Dahil hindi ka naman handang panindigan ang mga sinasabi mo
Ang lahat ng sinabi mo

Hindi mo na dapat sinabi na gusto mo ako
Kung wala ka naman palang balak na mahalin ako
Kung gusto mo lang pala ako lokohin, sana klinaro mo
Sana sinabi mo na ang kasunod ng mga katagang "gusto kita"
Ay isang mapait na "paalam, ayoko na"

Kasi sabi mo ako lang eh
Sabi mo walang ibang makakahigit sakin
Kaso sa kabila pala ng lahat ng kaya kong ibigay sayo
Iba pa rin pala yung hinahanap mo
Iba pa din yung makakapagpasaya sayo
Sana nong una pa lang sinabi mo
Na "uy pansamantala lang to ah"

O kaya, "uy gusto kita ha"
"Gusto kitang lokohin"
"Gusto kong saktan ka hanggang sa di ka na makabawi"
Basta! Madami namang pwede kasunod yon diba
Para alam ko lang? Para hindi lang ako umasa

Sana binalaan moko
Na bukas makalawa mawawala ka na parang multo
Tapos babalik ulit sa susunod para lang saktan ako
Para hindi na umabot sa ganito
Sa punto na hindi ko na kayang buohin yung sarili ko

Sa punto
Na hanggang alas tres ng madaling araw gising pa ang buon diwa ko
Nag-iisip kung ano bang kulang ko
O ano bang sobra sa kanya
O ano bang hindi ko kayang gawin para sayo
O ano bang mga kinaya niyang pagdaanan para ipagpalit moko
Ilang beses ba siya naliligo sa isang araw
O gani ba kadaming damit ang nasa kanyang lalagyan

Kasi di ko na alam!
Tangina alas tres na pero wala pa din akong natututunan
Hindi nga ako nagkamali
Ikaw yung dahilan ng pagtunog ng cellphone ko
Sabi mo, "gising ka na? Alas tres pa lang"
Pumikit ako ng madiin bago sinubukan tipain
"Oo. Gising na gising na."

PARA SA BROKENHEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon