Hindi na kita mahal
Sasabihin ko sa'yo mahal
Diretso at walang kahit anong bakas ng pagkautal
Na wala nang natitirang kahit konting pag-ibig
Na hinding hindi na ako mananatili sa iyong mga bisig
At wala nang epekto sa akin ang iyong mga titig
Maniwala ka, mahal, ubos na ubos na ang nararamdaman ko sa'yo
Hindi ko na kayang pagtiisan ang ugali mo
At wala na akong ganang kausapin ang tulad mo
Mahal naririnig mo ba ako?
Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?
Kasi ako, hindi.
Sa bawat pantig ng mabibigat na salitang ibinabato ko sayo
Kalahati ng bigat ang palihim kong sinasalo
Nakatakip ang tenga pinipilit ko
Na isa-isahin ang mga katagang binibitawan ko
Di ko kayang pakinggan
Ang sarili ko habang ikaw ay aking pinakakawalan
Alam kong pagod ka na mahal pero sadyang mali nga lang
Gusto kitang makitang sumaya
Kahit ang kapalit ay kailangan mong lumaya
Kaya't madali kong sasabihin sayong
"Ayoko na, mahal."
Habang hinihiling na hindi mo napansing tinatawag pa din kitang mahal.
BINABASA MO ANG
PARA SA BROKENHEARTED
PoetryISANG KOLEKSYON NG MGA MADAMDAMING TULA PARA SA BROKENHEARTED.