Bipolarity

6 0 0
                                    

#TatakPL
#Bipolarity
#PsychedelicApril
#April9

Mahal Ko Siya

"Mahal! Mahal!"

Masayang masaya si Boyet nang dumating. Ibinalita nito na sa kaniya napunta ang bagong project ng kompaniya nila. Halos isayaw pa ako nito sa sala sa sobrang tuwa kaya naman humagikgik ang anak naming sa Haley sa crib.

"Ilang linggo lang naman ako doon. Sa makukuha kong fee,  makakalabas tayo ng bansa para maibakasyon ko naman kayo ni baby," masaya nitong wika habang hinihintay ang hapunan na inihahanda ko.

"Mabuti kung gano'n. Mag-iingat ka. Malaking tulong sa ipon natin 'yan. Eh, paano pala si Sandro? 'Yung kaibigan mo. Kasama mo ba siya sa team mo?" tanong ko habang inilalapag ang sinigang.

Nagulat ako nang biglang maghampas ng mga kamay si Boyet sa lamesa.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong. Ang maliwanag at masayang mukha ni Boyet,  ngayon ay madilim na at namumula.

"Napakalandi mo!" Hinagis nito ang kutsarang may lamang bagong lutong kanin. Napahiyaw ako. "Bakit gusto mong malaman? Ha?! Gusto mo ba siya? Gusto mong maiwan siya para habang nasa malayo ako, maglalandian kayo rito!"

"Ah!" Tumilamsik ang mainit na sabaw nang kumabig siya para sabunutan ako. Hindi ko alam kung saan ako iiyak. Sa sabunot sa akin o sa mainit na sabaw na tumapon sa balat ko. "B-boyet... Gusto ko lang naman malaman kung may makakasama kang kakilala mo na. Inaalala lang kita," paliwanag ko habang lumuluha.

"Sinungaling! Okay nga lang sa 'yo ang malayo ako,  di ba?! Mas mahalaga pa sa 'yo pera kaysa sa kapakanan ko! Ang dapat sa 'yo, ikinukulong! May anak ka na,  malandi ka pa!" galit na galit na wika ni Boyet.

Kinaladkad niya ako pasubsob sa sahig. Nangungod ako aa kanto ng center counter table at tumama ang ulo sa marmol na paa nito. Lalo akong naluha nang makita ang pagtulo ng dugo sa tiles mula sa ulo ko.

Minsan naiisip ko,  oo,  tama siya. Mas gusto ko ang malayo siya sa amin ng anak ko kahit pansamantala lang. Dahil sa ugali niyang ito. Ang biglaang pagbabago ng mood niya sa kaunting maling salita.

Pumalahaw ang iyak ni Haley. Natatakot na ang bata sa sigaw at mga balibag ni Boyet ng mga gamit ngayon. Mga gamit na wala pang kalahating taon na nabibili.

Gustuhin ko man ang tumayo ay hindi ko magawa. Unti-unti na akong nabalot ng hilo at panlalamig. Namataan ko si Boyet na nakauoo at nakayuko, salo-salo ang ulo sa kaniyang mga palad. Nasa harap siya ng dalawang tong gulang naming anak na sige ang iyak.

Kailangan kong lumapit sa bata. Baka magalit na naman si Boyet at masaktan ang anak namin. Pero paano? Ipinikit ko ng mariin ang akin mata upang bumalik sa kamalayan. Hindi ako maaring mawalang ng malay. Ang anak ko...

"Shhh... Tama na Haley,  narito si Daddy. Tahan na... " dinig kong boses ni Boyet. Nakahinga ako nang malalim.

Bumalik na sa dati ang mahinahong tono niya. Okay na ulit si Boyet.

Mayamaya'y naramdaman ko ang mga yabag niya. Maging ang kaniyang hininga.

"Mahal... Mahal,  gising. Sorry. Patawarin mo ako. Nagdilim ang paningin ko. Hindi ko sinasadya... Sorry. "

Niyakap niya ako nang mahigpit. Pilit akong tumango. At kasabay no'n ay ang pagpatak ng aking mainit na luha.

Mahal ko si Boyet. At ang anak namin. Mabait naman siya. Hindi niya ito sinasadya. Kailangan lang ng ingat sa pananalita. Naniniwala akong magbabago pa ang lahat.

"Okay lang ako."

Wakas

Psychedelic AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon